Vilma Santos on having her first apo: "Excited pero ayokong ma-pressure."

by Melba R. Llanera
Nov 14, 2021
Vilma Santos
Lucky Manzano
Jessy Mendiola
Star for All Seasons and Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto looks forward to finally having her first grandchild with son Lucky Manzano and daughter-in-law Jessy Mendiola.

Excited pero ayaw ma-pressure ni Congresswoman Vilma Santos-Recto pag napag-uusapan na ang pagkakaroon ng apo sa panganay na anak na si Luis Manzano at sa asawa nitong si Jessy Mendiola.

Para nga sa Star Of All Seasons at sa Lipa Congresswoman, nandun ang hiling niya na mag-alaga ng apo, na sana raw ay mangyari na sa malapit na panahon.

Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at Cinema News si Vilma nung nakaraang November 5 sa pamamagitan ng Zoom.

Pag-amin niya, "Excited pero ayokong ma-pressure, ayaw ko ng tinatanong. Basta ready na ako, nae-excite na ako magkaroon ng apo. I'm praying soon.

Isang makulit at cool na lola naman ang nakikita ng Star For All Seasons sa kanyang sarili.

Diin niya, "I am a spoiler. I will definitely be a nice lola, a makulit lola.

"As of now I'm makulit, how much more kapag may apo na ako? Baka mas makulit pa.

Continue reading below ↓

"Papatawag akong Momskie. Iyan ang tawag sa akin ng mga pamangkin ko, parang Lola din."

Kinuwento din ni Vilma na sa ngayon pa nga lang ay may winu-worry na si Luis kung bibiyayaan na sila ng anak ng asawa.

Natatawa niyang lahad, "Sabi nga sa akin ni Lucky, 'Mom, baka di mo na isauli sa amin yung bata kapag natuwa ka. Di puwede, Mom.'

"Sa ngayon magkapitbahay kami. I don't know but I'm really excited."

Papuri at magagandang salita naman ang binitawan ni Vilma nang mapag-usapan ang manugang.

Pagpapasalamat niya, "With Jessy, now I have a daughter.

"Masaya lang kasi wala akong babaeng anak, parang bigla akong nagkaroon.

"I like her, I love her. She's so amiable. When they're here, nakikita ko ang pagmamahal at suporta nila sa isa't isa which is important. Nakikita ko rin ang respect sa relationship.

"Pag may nakita akong pangangailangan ni Lucky sa work, nandiyan si Jess to support, to guide. Minsan may mga suggestions si Jess and vice-versa, which I think sa couple that's healthy.

Continue reading below ↓

"Sana magtuluy-tuloy. I'm praying for them na magkaroon sila ng magandang family life."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star for All Seasons and Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto looks forward to finally having her first grandchild with son Lucky Manzano and daughter-in-law Jessy Mendiola.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results