Alodia Gosiengfiao confirms breakup with Wil Dasovich

by James Patrick Anarcon
Nov 14, 2021
Wil Dasovich and Alodia Gosiengfiao
Alodia Gosiengfiao admits breakup with Wil Dasovich: "We tried to work things out many times but some things are not meant to be. I hope you respect our privacy during this time in our lives."
PHOTO/S: @wil_dasovich on Instagram

Hiwalay na ang cosplayer at gamer na si Alodia Gosiengfiao, 33, sa vlogger na si Wil Dasovich, 30.

Nanggaling mismo ang kumpirmasyon kay Alodia sa kanyang Facebook post ngayong araw, November 14.

READ: What #Wilodia did for love: Alodia Gosiengfiao and Wil Dasovich love story

Ito rin ang kanyang naging sagot para sa lahat ng nagtatanong tungkol sa estado ng relasyon nila ni Wil.

Ayon sa post ni Alodia, sinubukan daw nilang ayusin ang relasyon subalit nauwi pa rin ito sa hiwalayan.

Saad ni Alodia, "To those asking, wala na kame. It's been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be. I hope you respect our privacy during this time in our lives. [pray emoji]"

Continue reading below ↓

Nito lang October 1, 2021, naglabas pa ng vlog si Wil kasama si Alodia kung saan nakausap nila si Oliver Austria, ang nag-design ng bahay na pinaplano nilang ipatayo.

February 2018 nang unang kinumpirma nina Wil at Alodia ang kanilang relasyon.

Na-witness din ng kanilang viewers kung paano sinuportahan at inalalayan ni Alodia si Wil nang magkasakit ito ng colon cancer, kahit wala pang kumpirmasyon noon na may relasyon ang dalawa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alodia Gosiengfiao admits breakup with Wil Dasovich: "We tried to work things out many times but some things are not meant to be. I hope you respect our privacy during this time in our lives."
PHOTO/S: @wil_dasovich on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results