Former child star Lady Lee now an international student in Canada

by Bernie V. Franco
Nov 16, 2021
Lady Lee former child star
Former child star Lady Lee is now taking up a culinary course in Vancouver Community College in Canada and hopes to be a chef someday. Lady Lee became popular when she joined Little Miss Philippines in Eat Bulaga in 1990, where she ended up being first runner-up.
PHOTO/S: YouTube (PhilippineIslander) / YouTube

Si Lady Lee, o Maria Kristina Edrosa Lee sa totoong buhay, ay sikat na child star noong ‘90s.

Isa siya sa mga batang pinasikat ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Matapos siyang hiranging Little Miss Philippines first runner-up noong 1990, tumawid si Lady Lee sa showbiz.

Naging mainstay siya sa Eat Bulaga, kagaya ng kanyang senior na si Aiza Seguerra.

Nakagawa siya ng mga pelikula at lumabas sa ilang programa ng GMA-7.

Lady Lee Eat Bulaga

Continue reading below ↓

Lady Lee (first row, in uniform with hair pins) with Eat Bulaga! hosts.

Pagsapit niya ng labindalawang (12) taong gulang, nag-focus si Lady Lee sa pag-aaral at unti-unting nawala sa showbiz limelight.

Nagkaroon siya ng panaka-nakang TV appearances, pero tuluyan na niyang iniwan ang showbiz.

Nasaan si Lady Lee ngayon?

LADY LEE IS NOW AN INTERNATIONAL STUDENT IN CANADA

Si Lady Lee—na ngayon ay Mrs. Ma. Kristina Edrosa Chengay 36 anyos at may dalawa nang anak.

Kasalukuyan siyang nasa Canada at estudyante sa Vancouver Community College (VCC), isang public community college sa Vancouver.

Isa siyang international student at kumukuha ng two-year Culinary Arts program.

Nito lamang September 2021 lumapag sa Canada si Lady Lee para sa kanyang edukasyon, ulat ng OMNI Filipino, ang Filipino newscast ng OMNI News sa Canada.

Masaya rin siyang makapasok sa VCC na kilala sa larangan ng culinary program.

Kuwento ng dating child star, “Culinary Arts diploma is good for two years.

Continue reading below ↓

"So, we have practical exams and I’m really happy and I’m really thankful na dun po ako napunta.

“Kasi alam ko po na most of the chefs here in Vancouver, especially po sa Downtown, are actually from the school where I am.”

Para suportahan ang kanyang pag-aaral, isinasabay ni Lady Lee ang pagkakaroon ng part-time job.

“Since hindi naman po ako ganoon kayaman, I have to work pa rin po,” aniya.

Lady Lee culinary canada

Continue reading below ↓

Sabi ni Lady Lee, ang ginagawa niyang sakripisyong ito ay para sa kanyang pamilya na nasa Pilipinas.

“…This is for our good future din, for my family. Not just for my self, but also for my family, for my children.”

Malaki naman ang pasasalamat ni Lady Lee na mabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa Canada.

“Canada is a very good country that accepts international students without any discriminations.

“So, I’m really thankful and grateful po na I was given this opportunity to study and work as well.”

Aminado ang dating batang aktres na mahirap mapalayo sa kanyang pamilya, pero sinisikap daw niyang pagbutihin ang pag-aaral dahil para sa kanila ang kanyang sakripisyo.

Aniya, “Kailangan kong mag-focus, kailangan kong gawin lahat kasi para ito sa kanila.

“Hindi ito para sa akin. And I want the best for my children.”

Ibinahagi rin ni Lady Lee na balak niyang makuha ang kanyang asawa at dalawang anak sa Canada.

Continue reading below ↓

“We’re already processing their papers, para po makasunod na po sila.

“Kasi gusto ko rin ma-experience nila dito sa Canada, na magkakasama po kami, kasi ang hirap din po mag-aral nang malayo ka.”

Kasama ni Lady Lee sa Canada ang kanyang kapatid na babae.

Bago tumulak ng Canada, si Lady Lee ay may online food business sa Pilipinas, katuwang ang kanyang mister.

Bukod pa rito, nagtrabaho rin siya bilang service representative sa isang IT company sa Pampanga.

Makikita sa Facebook post ni Lady Lee na aktibo rin siya sa charity works, kagaya ng pamimigay ng packed food sa mga random people sa lansangan.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former child star Lady Lee is now taking up a culinary course in Vancouver Community College in Canada and hopes to be a chef someday. Lady Lee became popular when she joined Little Miss Philippines in Eat Bulaga in 1990, where she ended up being first runner-up.
PHOTO/S: YouTube (PhilippineIslander) / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results