Former Goin' Bulilit star Trina "Hopia" Legaspi now married to Ryan Jarina

by Rachelle Siazon
Nov 22, 2021
Trina Legaspi, aka Hopia wedding to boyfriend Ryan Jarina
Actress Trina Legaspi and her businessman boyfriend Ryan Jarina tied the knot in fairy-tale-like wedding last Saturday, November 20, 2021.
PHOTO/S: @mymetrophoto via @psofficiel Instagram

"Marrying the man I prayed for."

Ito ang madamdaming pahayag ni Trina Legaspi sa pag-iisang dibdib nila ng non-showbiz boyfriend na si Ryan Jarina.

Ginanap ang kanilang mala-"fairytale wedding" sa Holy Trinity Church noong Sabado, November 20, 2021.

Si Trina ay dating Goin' Bulilit star na mas kilala sa screen name na Hopia.

Ginamit nila ang hashtags na "#DiHopiaSiRyan" at "KatRyanKoyIkaw."

Trina

Continue reading below ↓

Humigit-kumulang pitong taon na niyang kasintahan si Ryan, president at CEO ng Ark Diversified Inc. na namamahala ng Chevrolet at MG dealership sa Commonwealth, Quezon City.

"Ethereal, romantic, at fairy tale" ang gusto ni Trina na theme ng kanyang wedding kaya puno ng white flowers ang church at reception venue.

Kasama sa bridesmaids ni Trina sina Liza Soberano at Michelle Vito.

Naroon din ang batchmates niya sa Goin' Bulilit na sina John Manalo, Igi Boy Flores, at ibang mga kasamahan sa show na sina Trina Mortiz at Badjie Mortiz.

NO SEX BEFORE MARRIAGE

"Worth the wait" para kina Trina at Ryan ang maikasal dahil naniniwala silang handa na sila sa pagpapamilya.

Bukod sa maturity ay financially ready na rin daw sila para rito.

Naikuwento rin nila sa YouTube vlog ni Trina noong October 2021 na hihintayin nilang maikasal bago sila magkaroon ng intimate relationship.

Naniniwala raw sila sa "wedding first before having sex."

Continue reading below ↓

Sabi ni Ryan: "Yes, of course. Because it's in the Bible.

"Marriage is a different thing. If the person is your wife versus a girlfriend, it's more sacred, more valuable, more precious.

"She's gonna be the future mother of your kids. You have to make sure that you treat her with respect and wait until after marriage."

Umpisa pa lang daw ng relasyon nila ay "personal choice" na ni Trina na hindi siya pabor sa pre-marital sex.

"Una, it builds character. It teaches you to be more patient. We got to to understand each other on a deeper level.

"I think you can express your love in a lot of ways, not just sex.

"We were able to connect to each other deeply, emotionally, mentally, not just physically," paliwanag ni Trina.

Sabi pa ng aktres, "tempting" at "mahirap" na hamon iyon sa isang magkasintahan.

"Pero I know na it's gonna be worth the wait," dagdag ni Trina.

Continue reading below ↓

Segunda ni Ryan, "If you really love someone it's gonna be worth the wait."

NO TO LIVING TOGETHER BEFORE MARRIAGE

Base pa rin sa karanasan nila, hindi raw nag-live in sina Trina at Ryan.

Araw-araw rin naman daw silang nagkikita kapag bumibisita si Ryan sa bahay ng mga magulang ni Trina.

Sabi ni Trina: "Prefer ko na di kami mag-live in because we want that experience after marriage.

"Even though we haven't been living in together, it feels like it kasi lagi ko siya nakikita every single day. Ganun ka-consistent si Ryan.

"At least, we have something to look forward to in marriage."

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Trina Legaspi and her businessman boyfriend Ryan Jarina tied the knot in fairy-tale-like wedding last Saturday, November 20, 2021.
PHOTO/S: @mymetrophoto via @psofficiel Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results