PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden Richards reveals next goal: "Pagpapamilya"

He will spend Christmas, New Year, and his 30th birthday in the U.S.
by Rose Garcia
Published Dec 5, 2021
Alden Richards new year and birthday
Alden Richards recently set up his very own AR Foundation, his scholarship fund for poor kids, which he hopes to jumpstart via his ForwARd online documentary concert scheduled on January 30, 2022.
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram

Lilipad si Alden Richards sa U.S. para doon ipagdiwang ang Pasko, Bagong Taon, at ang kanyang 30th birthday.

Ano ang mga pagbabago na nilu-look forward niya sa taong 2022?

“Ngayon po kasi, given certain opportunities, mga things na dumarating po, the things that you want to achieve in the next couple of years, nag-iiba, e.

“Parang nagkakaroon ka ng ibang tingin sa mundo, sa buhay mo in the next years. Hopefully, nandoon pa rin naman siyempre yung pagpapamilya. Hindi nawawala sa akin iyon.

“And kung papayagan na po ako,” natawang biro pa niya.

“Pero siyempre, nandoon po yun. It’s part of it and siguro, the reason I’m doing it as early as now is para hindi ko na siya gawin kapag ako naman ang magkakaroon ng ibang goal sa buhay.

“Siyempre, pagdating naman sa family, ibang usapan na rin naman yun."

Sa ngayon, nakatuon si Alden sa itinayo niyang AR Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakilala ng Asia's Multimedia Star ang AR Foundation sa online mediacon na ginanap para sa ForwARd, ang kanyang online documentary concert na magaganap sa January 30, 2022.

Kung dati-rati ay halos hindi binabanggit at pina-publicize ni Alden ang mga ginagawa niyang pagtulong, ngayon ay nagiging vocal na siya tungkol dito.

Ayon sa aktor at bida ng GMA Primetime series na The World Between Us, “Sa lahat naman po ng nakakakilala sa akin, I don’t publicize my charity works. But with the guidance of the people close to me, ‘RJ, mag-open ka na ng foundation. Kasi para at least, nai-inspire mo rin ang ibang tao.'"

Pagpatuloy ni Alden, ito raw ang nakuha niyang advice sa malalapit sa kanya: "In these trying times that we are in right now, at least we can show them na nakakatulong pa rin tayo. And this is for a good cause.

"At parang kailangan na rin nilang malaman dahil siyempre, tumatanda ka na. At least kahit papaano, you were able to leave a legacy with them as you go along this journey."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming nakalinyang plano ang aktor.

"I want the foundation to be big. I want to be able to establish a platform where I can help a lot of people to achieve their goals in life.

“So that hindi na sila mahirapan, I want to help them and with this foundation and this concert that we will have, it’s a great avenue for me to be able to really amplify the needs of the foundation para maraming makaalam.”

Dugtong pa ni Alden, “Siguro po, dumating din ako sa point na gustung-gusto kong tumulong, pero hindi ko alam kung saan ako puwedeng mag-start.

“So, AR Foundation is there para makita po nila na kung gusto man nilang tumulong, we can help them to help.”

Dahil nabanggit niya ang pagpapamilya at sadyang napaka-malihim niya pagdating sa aspeto ng love life, may nakikita ba siyang puwede niyang maging katuwang sa pagpapamilya at sa AR Foundation?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Grabe ka talaga, lagi ka na lang ganyan sa akin,” natawang birong sagot naman ni Alden.

“Pero wala pa po sa ngayon, wala pa po,” ang nakangiti naman niyang sagot.

AR FOUNDATION FOCUSES ON SCHOLARSHIPS

Sa ngayon, naka-focus sa scholarships ang AR Foundation ni Alden. Kahit noon pa, lingid nga sa kaalaman ng karamihan, may mga scholars na siya at may dalawang nakatapos na ng kolehiyo.

Pagbabahagi ni Alden, “Sa scholars po, well actually, nauna po talaga ang conceptualization ng foundation before the concert.

“Sabi ko, parang bakit hindi na lang po tayo mag-concert para merong deeper understanding ang mga manonood kung ano ba talaga ito.

“Bakit ba ito nabuo? Ano ba yung mga pinanggalingan niya para magkaroon tayo ng AR Foundation? Kasi, si AR Foundation po talaga ang bida ng concert na ito.”

Nagulat na lang din daw si Alden na marami na raw pala siyang scholars.

“The foundation was registered last September 2021, ang dami na po pala nila. Ang dami ko na po palang scholars without me knowing it,” nakangiting sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinuwento rin ni Alden kung paano siya nagkaroon ng mga scholars.

“Kasi ako po, kapag bago ‘kong sahod, doon po ako naghahanap ng scholars. Parang si Mama Ten po ang taga-kuha, taga-hanap.

“I never knew na ganoon na sila karami. So right now po, meron po akong 14 scholars, ongoing. Two of them are college graduates already."

Ayon sa kanya, ang dalawang college graduates ay may Bachelor of Science degrees: isa sa Information Technology (I.T.), at isa sa Electrical Engineering.

“And then, parang I want them to be recognized with a lot of people.

“Siguro kaya ko rin pinush ito, para makita ng mga tao that the foundation is there for them, especially for the kids who are struggling with education.

“Sa totoo lang po talaga, ako po, naniniwala na kahit papaano, medyo hadlang po ang kahirapan sa edukasyon. Kasi I’ve been there, alam ko po ang pakiramdam na gustung-gusto mong mag-aral, pero wala kang pampaaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-experience ko po yun when I was young. So parang I don’t want that to happen to these kids. I want to break that cycle po sana with this concert that I am doing.”

ALDEN ON NEW EXPERIENCES

Si Alden mismo ang nag-produce ng ForwARd concert, at bago raw sa kanya ito.

“I’ll be producing it po, singlehandedly,” lahad niya.

“It’s a new experience for me as well. Ang dami ko pong... siguro yun na rin po ang goal ko ngayon, now that I’m not getting any younger, is to do things na hindi ko pa nagagawa.

“Kasi parang the time is always now. Hindi po yan yung, ‘Ay bata pa ako, hindi ko pa dapat ginagawa yan. Pag ganitong edad na ako.' But it’s really more about acquiring different experiences.

“And you know, experiencing things for the first time. Kasi para kahit papaano po, napapaaga po ang checklist ng buhay natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Turning 30 years old pa lang si Alden sa January 2, pero parang napaka-seryoso na niya sa buhay.

Marami nang na-accomplish ang Kapuso actor sa kanyang career, maging sa pagiging isang businessman/entrepreneur at iba pang aspeto ng kanyang buhay.

Parang hindi nawawala ang kanyang hunger at desire na gumawa at sumubok ng maraming bagay.

“Siguro po kasi, maaga rin akong tumanda,” lahad niya.

“At the age of 17, I lost my mom. So maaga pong stage of maturity for me iyon and maaga po akong maging motivated to be of help especially... well, lahat naman po nagsisimula sa pamilya.

“So siguro, ngayon nga lang po na blessed tayo with a good career, mas indulging po yung platform po to influence with a lot of people. Parang now is always the right time, e.

“Parang ngayon po, gawin na natin ngayon yung mga pwede nating gawin hangga’t kaya pa nating gawin. You’ll never know what will happen the next day, you’ll never know what will happen tomorrow, so ako po, hangga’t nandito pa ako at kaya ko pa, I’ll do these things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para kahit paano, you’ll be able to live up your legacy and para kapag nagka-pamilya na, yun ang ikukuwento mo sa mga anak mo. Para ma-inspire mo rin sila to be like you in the future.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards recently set up his very own AR Foundation, his scholarship fund for poor kids, which he hopes to jumpstart via his ForwARd online documentary concert scheduled on January 30, 2022.
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results