PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrew Schimmer seeks financial help for wife's hospital bills

Andrew says his wife Jho is now fighting for her life.
by Arniel C. Serato
Published Nov 24, 2021
andrew schimmer wife
Actor Andrew Schimmer appeals for financial help for wife Jho Rovero's hospitalization: "Please any small amount po is a big help. Sa mga kapatid kpo sa labas at loob ng industriya, ako po'y kumakatok sa inyong mga puso."
PHOTO/S: IMDB / Instagram

Umapela ng pinansiyal na tulong ang aktor na si Andrew Schimmer para sa gastusin ng kanyang asawa, na kasalukuyang nakaratay sa banig ng karamdaman sa intensive care unit (ICU) ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Idinaan ni Andrew sa kanyang social media accounts ang panawagan sa mga katrabaho sa showbiz at mga taong bukal ang puso upang mag-ambag sa lumulobong hospital bill nila na umabot na sa lagpas dalawang milyong piso.

Andrew Schimmer's wife hospital bill

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May severe hypoxemia ang misis ni Andrew na si Jorhomy “Jho” Rovero.

Andrew Schimmer's wife condition

Ayon sa www.clevelandclinic.org, ang severe hypoxemia ay nangyayari kapag ang level ng oxygen sa dugo ay mas mababa sa normal.

Mensahe ni Andrew sa kanyang post sa Instagram at Facebook ngayong Miyerkules, November 24: “Good morning po..mga kapatid, ako po'y kumakatok sa inyong mga puso [crying, broken heart, praying hands emojis] my wife Jho is still fighting for her life right now in st.lukes global icu.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ramdam daw ni Andrew na pilit nilalabanan ng asawa ang karamdaman nito.

Dagdag pa niya, “Mag three weeks na po sha sa NCCU ng st.lukes global medical center, at hanggang ngayon ay lumalaban parin po sha pra sa kanyang buhay, gayon narin po kme ng aming mga anak, at ang kanyang buong pamilya at mga mabubuting kaibigan ay lumalaban din para sa kanya.

“Nangangailangan po sha ngayon ng malaking halaga upang maipagpatuloy po ang kayang mga medications sa icu, kaya naman po mapasa hanggang ngaun ay lumilikom po ng pera ang knyang buong pamilya at mga kaibigan upang matugunan po namin ang kanyang mga medical needs...

“kaya naman po ako'y kumakatok sa inyong po mga mahabaging puso[broken heart, crying, praying hands emojis]

“please any small amount po is a big help. Sa mga kapatid kpo sa labas at loob ng industriya, ako po'y kumakatok sa inyong mga puso."

Kalakip nito ay ang bank account at Gcash account ng bunsong kapatid ng misis ni Andrew:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bdo account # 004600187507

Ruby Jennifer Rovero Gcash 09173011957

Nagsimula si Andrew bilang teen star at ngayon ay madalas siyang gumanap bilang kontrabida sa mga teleserye, kabilang na ang Descendants of the Sun, Beautiful Justice, Kapag Nahati Ang Puso, at Alyas Robin Hood.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Andrew Schimmer appeals for financial help for wife Jho Rovero's hospitalization: "Please any small amount po is a big help. Sa mga kapatid kpo sa labas at loob ng industriya, ako po'y kumakatok sa inyong mga puso."
PHOTO/S: IMDB / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results