Watch Now

Cherry Pie Picache posts sweet photos with Edu Manzano from their U.S. trip

by Bernie V. Franco
Nov 29, 2021
cherry pie picache edu manzano relationship
Cherry Pie Picache posts more sweet photos with Edu Manzano from their recent U.S. trip.
PHOTO/S: @yescppicache

Sinariwa ni Cherry Pie Picache ang naging masayang bakasyon niya sa United States kasama ang karelasyong si Edu Manzano.

Nagkaroon ng quality time sina Cherry Pie at Edu Manzano sa kanilang U.S. trip., base sa photos na ipinost ng aktres sa Instagram nitong weekend.

Nakipagkita rin ang aktres sa kanyang mga kaibigan sa Florida, U.S.A.

Hindi nawawala si Edu sa mga larawan ni Cherry Pie kasama ang kanyang U.S.-based friends.

Kita rin ang sweet moments ng showbiz couple habang sakay sa yacht at pinapanood ang sunset.

cherry pie picache edu manzano relationship

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming showbiz personalities at netizens ang nagpahayag ng saya at kilig sa post ni Cherry Pie kasama si Edu.

Halatang mas vocal si Cherry Pie kumpara kay Edu pagdating sa estado ng kanilang relasyon.

Hindi kasi ito ang unang beses na nag-post ang aktres ng mga larawan kasama angf aktor.

Pero nitong weekend, ipinromote ni Edu ang upcoming virtual play na pagbibidahan ni Cherry Pie, ang Under My Skin ng Philippine Educational Theater Association o PETA.

Nagpasalamat naman si Cherry Pie, at tinawag si Edu sa character niya sa pinagsasamahan nilang Kapamilya primetime series, ang Marry Me, Marry You.

Gumamit pa ng smiling face with hearts emojis si Cherry Pie sa comment niya kay Edu.

cherry pie picache edu manzano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma ni Edu ang relasyon nila ni Cherry Pie, a pamamagitan ng direct message sa broadcaster na si Cheryl Cosim, noong November 19, 2021.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cherry Pie Picache posts more sweet photos with Edu Manzano from their recent U.S. trip.
PHOTO/S: @yescppicache
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results