Kalagitnaan ng November 2021 nang pumirma ng kontrata si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa Kapuso network.
Kasunod niyon, binigyan muna siya ng short acting stints gaya ng episodes sa Kapuso Mo Jessica Soho at Wish Ko Lang.
Maituturing namang big break niya ang pagkakapili bilang leading lady ni Senator Bong Revilla sa GMA-7 fantasy series na Alamat ng Agila Book 2.
Ayon kay Rabiya, nagparamdam na ang Kapuso network kahit hindi pa tapos ang kanyang reign bilang Miss Universe Philippines 2020.
Nangyari raw ito nang magkrus ang landas nila ni GMA Films President Annette Gozon-Valdes.
“This is a funny story, how it started. Because even before competing for Miss Universe, I saw miss Annette Gozon in a dinner,” paglalahad ni Rabiya sa PEP interview noong November 23, 2021.
“So, right after that, she messaged my manager, si Sir Jonas Gaffud, at she’s interested in getting me for GMA.”
Pero hindi raw umasa masyado si Rabiya dahil verbal agreement lamang ito.
“So, wala pa talagang pinanghahawakan,” aniya.
Sumabak si Rabiya sa Miss Universe 2020 pageant sa Florida, U.S.A. noong May 2020.
Laking gulat daw niya nang muling makipag-ugnayan ang management ng GMA sa kampo niya pagkatapos ng international pageant.
Ani Rabiya, “I was so surprised. It was a confirmation from them na, ‘Okay, we want Rabiya,’ pero kailangan lang talaga hintayin ang mga contracts na matapos para clean slate.”
Dahil daw dito, wala na siyang ikinunsidera pang ibang television network.
“Wala na din po kasi parang pag compete ko sa Miss Universe, right after sinabi nila, ‘O, GMA wants you,’ so ganoon po yung parang naging agreement.”
Nakahinga raw nang maluwag si Rabiya lalo pa’t karaniwang struggle sa mga beauty queen kung ano ang gagawin pagkatapos ng kanilang reign.
“Sobrang saya kasi parang yung struggle kasi usually ng beauty queen is, 'What are we gonna do after our reign?'
“Saan na ba kami? Ano ba yung puwede naming gawin?”
Pagbabahagi pa ni Rabiya, bago pa man siya mabigyan ng kontrata ay sikreto siyang nag-eensayo ng pag-arte.
“Every day, kahit wala pa naman siya [contract], every morning I wake up, I’m looking forward to do something na, ‘Ah, okay, manonood ako ngayon ng palabas para magkaroon ng idea.’”
Umaarte rin daw siya sa harap ng salamin at buti na lang at wala siyang kasama sa bahay.
Biyaya rin niyang maituturing na mabigyan ng kontrata ng GMA-7.
“Hindi lahat nabibigyan ng ganitong offer. So, ngayon nasa pandemic pa tayo, a lot of people have been struggling kung saan sila hahanap ng trabaho.
“Pero ako, at least, may nakakakita ng potensiyal ko, kaya grateful lang po talaga.
“Yun lang po talaga ang nasa heart ko. Parang endless joy, endless feeling of being grateful to those people who saw something in me."
Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
