Kasunod ng paglabas ni Chie Filomeno sa Pinoy Big Brother house noong November 20, 2021, ay isang magandang balita para sa kanyang fans.
Siya ang inilunsad na 2022 calendar girl ng Ginebra San Miguel nitong December 1, 2021.
Aminado si Chie na na "grabe yung pressure" sa bagong chapter na ito ng kanyang career.
During the mediacon, bulalas niya, "...here I am, part of that legacy," referring to the previous calendar girls na sina Anne Curtis, Pia Wurtzbach, at Solenn Heussaff.

Umaasa ang 25-year-old Kapamilya talent na magiging hudyat na ito ng pagbangon niya mula sa mga challenges and failures na naranasan sa showbiz.
Isa sa mga nabanggit niya ay ang blooper ng dati niyang grupo sa It's Showtime na GirlTrends noong September 2019.
Ang dance version nila ng "How Do You Sleep" ni Sam Smith ay nag-viral at nanganak ng mga memes dahil hindi sila sabay-sabay.
Malaki ang epekto ng pangyayari sa dalaga.
Pagtatapat niya, “Siguro itong fiasco with the GirlTrends na nagkamali-mali tayo diyan. Siguro two years din akong hindi sumayaw sa live TV..."
Nabanggit rin niya ang social-media bashing na dati raw ay naapektuhan raw siya.
Dumating pa nga raw sa puntong na-depress siya.
Sabi ni Chie, “You know yourself better than anyone, pero pag nababasa mo siya every day of your life ever since, parang maniniwala ka na doon sa sinasabi na, 'Hindi ka magaling,' ganito, ganoon, 'Bakit ka andiyan?'
“So, for me, siyempre, naging sad ako, naging depressed ako. Pero I woke up one day na I don’t want to give them that power.
“So yun, sabi ko, ‘I can dance again. I can dance again because that’s my passion.’”
Ayon kay Chie, ang pinakamabigat na nangyari sa kanya ay nagkaroon siya ng doubt sa sarili.
“Na I questioned myself na passion ba iyon? 'Tapos I’m trying to veer away from it dahil sa mga taong di ko naman kilala, na hindi alam ang effort na ibinibigay sa isang bagay. I tried to prove them wrong, and prove myself also.”

LESSON LEARNED INSIDE PBB HOUSE
Malaking tulong kay Chie ang maikling panahong tumira siya sa Bahay ni Kuya.
“Ang pinaka-best lesson ko na natutunan ko, which is so funny kasi ito rin ang natutunan ko sa parents ko and natutunan ko rin kay Kuya, is to never give up.
“Kasi, what if you are this close to that success 'tapos you’re giving up? Sayang lahat ng effort, dugo’t pawis sa bagay na iyon.”
Natutunan rin niya sa loob ng PBB house na huwag maging judgmental.
“Kasi we all go through something. You just have to be really kind and understand people where they coming from. Understand why they act a certain way.”

And from her experiences since she entered showbiz in 2012, natuto siyang labanan ang pressure.
“You really just have to prepare yourself, sa lahat ng unexpected. Like, expect the unexpected nga and handle it with grace still, and think twice in everything. Kung anuman yung desisyon mo in life, you really have to think twice.
“Parang ano rin iyan, e, trial and error. I’ve been there. Pag napi-pressure ako, hindi ako nagiging rational. Hala bira lang din talaga.
“Pero you learn from your mistakes, and yun nga yung maganda sa buhay. Pag natuto ka, you always have time, like, puwede kang bumangon, and pagbangon mo, iba na yung tapang mo ngayon.”
Wish niyang maging kagaya ni Anne.
Aniya, “Kasi yung longevity and hardwork. Ang tagal na po niya sa showbiz, pero walang tumitibag sa kanya.
“Yun ang career path na gusto ko rin. It’s the longevity that I want for this industry. To be able to inspire people, yun din ang ginagawa ni Miss Anne.
"Actually lahat naman ng calendars girls, pero my heart is with Anne talaga coz I worked with her sa Showtime, and isinasama niya ako sa mga trips niya, nakakatuwa..."
