PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former Kapamilya DJ Durano recalls transfer to GMA-7 in 2014

DJ Durano on leaving ABS-CBN: "I was not getting respect anymore."
by Bernie V. Franco
Published Dec 2, 2021
dj durano gma 7
DJ Durano on why he left ABS-CBN: “Marami lang naging issues na hindi na rin ako naging masaya. And I was not getting the right roles na rin siguro."
PHOTO/S: @djdurano8 on Instagram

Nakilala si DJ Durano, 49, bilang character actor sa ABS-CBN. Hindi mabilang ang mga proyekto niya sa Kapamilya TV series na karamihan ay supporting roles.

Ayon kay DJ, 2001 nang magsimula siya sa bit roles sa ABS-CBN hanggang sa paglipas ng mga taon ay nabigyan na siya ng substantial roles.

Dahil dito, puno raw siya ng “gratitude” sa ABS-CBN.

Pero pagsapit ng 2014, nagdesisyon si DJ na lumipat sa GMA Network.

Malaki ang pasasalamat ni DJ dahil nabibigyan siya ng mga proyekto sa GMA-7.

“Wala na akong mahihiling pa sa industriya. Ngayon, I’m still working with GMA, hindi alam ng iba lumipat na ako sa GMA around 2014-2015 pa,” saad ni DJ sa panayam sa kanya sa PEP Calamansi nitong December 1, 2021.

“Matagal na ako sa GMA. I’ve been doing Dragon Lady, Pyra

“Kaya lang, hindi kasing busy noon kasi namimili na ako ng roles, kasi naging busy din ako sa family and business.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinagtutuunan ngayon ni DJ ang upcoming Kapuso teleseryeng Lolong, na pagbibidahan ni Ruru Madrid.

DJ EXPLAINS LEAVING ABS-CBN

Inamin ni DJ na isa sa mga rason niya kaya nilisan ang ABS-CBN ay dahil “maraming issues.”

“I was not getting respect anymore,” pag-amin ng aktor.

“Marami lang naging issues na hindi na rin ako naging masaya. And I was not getting the right roles na rin siguro.

“Napunta rin ako sa tamang istasyon siguro,” pagtukoy niya sa paglipat sa Kapuso network.

Pero paglilinaw ni DJ tungkol sa dating home network: “But up to now, wala pa rin akong masabi. Thank you pa rin sa ABS. Ganoon lang ako.”

Hindi rin daw makabubuti kung kakalkalin pa ang mga naging isyu niya.

“Ayoko lang magpakakontrobersiyal. Mahirap. I don’t wanna burn bridges," paliwanag ni DJ.

Inusisa rin namin kung nagpaalam ba siya noon sa ABS-CBN na lilipat siya ng network.

Sagot ni DJ, “Wala namang pagpapaalam kasi hindi naman ako superstar sa ABS… bit character actor [ako], so hindi naman ako yung mahirapan magpaalam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsabi naman daw siya sa dalawang ABS-CBN executives noon tungkol sa kanyang pag-alis.

“Wala naman silang sinabi. So, I guess, wala nga. Kasi wala naman silang sinabi sa akin na, ‘Wag kang umalis’ or whatever.

“So, I guess, hindi na nila ako kailangan doon after Direk Wenn passed away.

“So, it’s my time to find my own sunshine.”

Ang tinutukoy ni DJ na "Direk Wenn" ay ang mentor at manager niya noong si Wenn Deramas, na pumanaw noong February 29, 2016.

Tama naman daw ang desisyon niyang lumipat sa GMA-7.

Sabi ni DJ, “Sobra akong happy sa GMA.

“Lalo na I’m with Artist Circle [management] with Sir Rams David. I’m being taken care of very well, may respect.”

DJ DURANO ON LOYALTY TO TV NETWORK

Hindi na inabot si DJ nang tanggalan ng prangkisa ang ABS-CBN noong 2020.

Ayon sa aktor, nauunawaan niya kung ang ibang Kapamilya artists ay nagdesisyong lumipat sa ibang TV networks.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“It’s a two-way street, e. Kung pinasikat sila ng network, kumita din naman yung network sa kanila,” ani DJ.

Pero hindi raw ibig sabihin nito ay hindi grateful ang mga artistang nag-transfer.

Saad niya, “May sariling utak din siguro yung tao.

"Kunwari, wala ka nang kinakain at dalawang taon ka nang pandemya, at nakasarado ang istasyon mo, at hindi ka na nasusuwelduhan nang tama, you have your own choice.

“Let’s face it. We all have to live. We all have to eat.

“Kumbaga, kung wala nang naibibigay sa iyo sa dami nila doon, at kung puro Showtime na lang pinapalabas nila doon, at puro teleserye online na lang, siguro naman [they] have to work for their families, lalo na marami silang pinapakain.”

Hindi rin maitago ni DJ ang excitement sa posibilidad na makatrabaho ang mga artistang kasama noon sa ABS-CBN, gaya nina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, at Maja Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, talaga sobrang excited ako kasi mas malaki yung chances na makatrabaho sina Maja, John Lloyd, Bea.

“Sobrang excited this time ‘cause ibang network, mas fresh, mas marami kaming magagawa. So, eto, siguro sana magkatsansa uli in the future.”

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Durano on why he left ABS-CBN: “Marami lang naging issues na hindi na rin ako naging masaya. And I was not getting the right roles na rin siguro."
PHOTO/S: @djdurano8 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results