PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera on bashers of her Miss Universe stint

"Hindi naman ako mapagpanggap, di ba?"
by Rose Garcia
Published Dec 3, 2021
Marian Rivera Miss Universe 2021 judge
Marian Rivera unfazed by bashers: "Aaminin ko na hindi naman talaga English ang first language ko kung hindi Filipino. At kinuha nila ako dahil sa aking body of work bilang isang Filipina. At ang masasabi ko lang, kilala niyo naman ako. Hindi naman ako mapagpanggap, di ba?"
PHOTO/S: @marianrivera Instagram

Kumpirmado na ang partisipasyon ng bansang Pilipinas bilang isa sa mga mauupong hurado sa Miss Universe 2021.

Ang napili ng Miss Universe Organization bilang miyembro ng selection committee ay ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Naghahanda na si Marian para sa kanyang paglipad papuntang Eilat, Israel, kunsaan magaganap ang coronation night sa December 12 Easter time zone (December 13, 7 a.m., Philippine time).

Ipinarating ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian na napakaraming masaya sa oportunidad na dumating na ito sa kanya, lalo pa't likas na hilig ng mga Pinoy ang beauty pageants.

Kahit hindi pa niya opisyal na inaanunsiyo ang magandang balita, marami na ang nagpapakita ng interes na manonood ng Miss Universe para raw mapanood siya.

Sa kabilang banda, mayroon ding nagne-nega at namba-bash sa kanya. Nandiyang kinukuwestiyon kung bakit siya ang napili ng Miss Universe Organization na maging isa sa mga hurado.

May mga nagsabi ring aabangan ang pagsasalita niya ng English kapag Question-and-Answer portion na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiningan namin si Marian ng reaksiyon sa mga ganitong komento ng ilang netizens.

"Siguro aaminin ko, para sa akin, minsan lang kasi mabigyan ang isang tao ng ganito kahalagang gagampanan mo sa isang Miss U, na kunsaan ay napakahalagang okasyon na magsasama-sama ang lahat.

"Para sa akin, isang malaking karangalan ito," nakangiting bungad ni Marian.

Hindi nagpatinag ang Kapuso actress sa bashers.

Nakangiti pero diretsahang paliwanag niya: “At siyempre, bukod dun, aaminin ko na hindi naman talaga English ang first language ko kung hindi Filipino.

"At kinuha nila ako dahil sa aking body of work bilang isang Filipina.

"At ang masasabi ko lang, kilala niyo naman ako. Hindi naman ako mapagpanggap, di ba?

"So, ie-express ko ang sarili ko na naaayon sa nararamdaman ko sa araw na ‘yan."

Nakapanayam ng PEP.ph at ibang miyembro ng entertainment press si Marian sa online mediacon ngayong Biyernes, December 3.

ON FLYING TO ISRAEL DESPITE FAMILY CONSIDERATIONS


Sa loob ng halos dalawang taong may pandemic, naging tapat si Marian na hindi niya kayang tumanggap ng trabaho na kakailanganin niyang iwan ang dalawang anak—sina Zia at Sixto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iniwasan niyang mae-expose siya sa maraming tao para mapangalagaan ang kalusugan ng pamilya.

Pero dahil bihirang pagkakataon ang dumating sa kanya, tinanggap ni Marian ang imbitasyon ng Miss Universe Organization sa kabila na ngayon lang siya aalis ng bansa sa buong pandemic.

"To be honest, siyempre naisip ko, minsan lang ‘to dumating, e. So, bakit hindi ko siya tatanggapin? At para sa akin, isang malaking karangalan.

"Ngayon, kung tatanungin mo ako kung mahirap para sa akin na iwan ko ang mga anak ko, of course, mahirap.

"Pero naniniwala ako na balang-araw, maiintindihan nila ang kahalagahan ng sakripisyong ito na gagawin ko."

Hindi na bago kay Marian ang beauty pageants dahil hindi kaila na noong bata siya ay ilang beauty contests din ang nasalihan niya.

"Parang noong bata naman talaga ako, lumalaban talaga ako ng mga pageant. Pero parang hindi ko yata kayang lumaban pa ng Miss Universe.

"Parang pagkatapos ko ng college, nag-artista na ako nun. Nagtrabaho at nag-artista na ako," nakangiting sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang isang hurado ng pinakaprestihiyosong beauty pageant sa buong mundo, ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang Miss Universe?

Sagot ni Marian: "Siguro yung description na magdya-judge ako, siguro ang pananaw ko dun, nandun ako para i-appreciate ko at maging saksi sa kagandahan ng mga kababaihan sa buong mundo.

"At siguro, hindi lang yung kagandahan kung hindi ang katapangan din nila na maibalik ang humanity sa ating mundo sa kabila ng mga pinagdaanan natin.

"Alam mo yun, yung radical na pagbabago na ibinigay sa atin ng pandemya. So mas yun ang nilu-look forward ko—ang makilala at makita silang lahat."

HOW MISS UNIVERSE ORGANIZATION INVITED MARIAN

Tinanong din ng PEP.ph si Marian kung paano siya inimbitahan ng Miss Universe Organization upang maging hurado.

Ayon kay Marian, ang management niyang Triple A ang nagparating sa kanya ng balita.

Kaya ang CEO ng Triple A na si Direk Mike Tuviera ang sumagot sa tanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Direk Mike, "Ako ang magkukuwento kasi ako ang unang nakarinig.

"Actually, I was contacted by Jenny Ferre who is a creative head of Eat Bulaga. Kasi yung producer ng Miss Universe, they actually have a long-standing good relationship with them because they co-produced before.

"And they were going through Ms. Jenny para ma-invite si Marian. So, kailangan ko munang tawagan si Marian at tanungin kung interesado siya at kung gusto niyang maging judge o selection committee for Miss Universe.

"Nang umoo si Marian, she was vetted by the Miss Universe Organization. Nakita naman siyempre yung massive Facebook presence niya, social media, and everything.

"Sila yung lumapit po at nagpaalam on how to reach Miss Marian."

At kinumpirma nga ni Direk Mike na "handpicked" talaga si Marian ng Miss Universe Organization para maging isa sa mga judge.

Hindi malinaw kung sa pre-pageant selection committee kasama si Marian o kung siya ay magiging hurado sa mismong coronation night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ito ang sabi ng management ni Marian: "We still don't have the final list of the things to do ni Marian in the event. But, yes, she will be attending the coronation night."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera unfazed by bashers: "Aaminin ko na hindi naman talaga English ang first language ko kung hindi Filipino. At kinuha nila ako dahil sa aking body of work bilang isang Filipina. At ang masasabi ko lang, kilala niyo naman ako. Hindi naman ako mapagpanggap, di ba?"
PHOTO/S: @marianrivera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results