Naka-move on na si Mariel Rodriguez sa mga intrigang ibinato sa kanya paglabas ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition pagkatapos niyang maging special guest housemate. Patunay nito ang patuloy na pag-usad ng kanyang showbiz career. May bago siyang product endorsement at nakalabas din siya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya with Zanjoe Marudo, na ipinalabas last Friday, January 25. Plus, may special participation din siya sa bagong action-fantasy drama series ng ABS-CBN na Kung Fu Kids.
"My career is not
affected," banggit ni Mariel sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
"If [for] example, my career is affected, then I would really be devastated.
But actually, maganda yung nangyayari sa career ko ngayon, so I can't
say na napektuhan ang career ko."
Kasunod ng mga isyu kay Mariel ang balita na hindi na raw siya muling tatanggapin sa Wowowee bilang co-host ni Willie Revillame.
"The
funny thing is I never heard that," nagtatakang sabi ni Mariel. "Ako
ang nagsabi na I needed a break when I came out. Yung unang beses ako
na lumabas, sunud-sunod kaagad. So what I want, I personally asked them
kung puwedeng bigyan n'yo naman ako kahit isang linggo na magpahinga
naman ako sandali."
Kumalat din ang tsismis noon na may gustong magpa-alis sa kanya sa Wowowee.
"Hindi, hindi ako aware," sambit ng TV host.
May lumabas ding balita na sumama raw ang loob sa kanya ni Willie dahil mas pinili kasi niya si Kuya ng PBB kesa sa kanya.
"No,"
tanggi ni Mariel. "Hindi ko naman yun choice, e. If you remember,
kinulong ako doon [sa Bahay ni Kuya]. I was surprised."
Nag-usap na ba sila ni Willie?
"Hindi naman kailangan. As far as I know, okay naman kami," saad niya.
Personally, napapansin ba niya na kumokonti ang exposure niya sa Wowowee?
"Sobrang hindi. I don't feel that at all," aniya.
Pagbalik niya sa Wowowee, hindi ba siya nanibago sa mga pagbabago rito, including her appearance sa mga portions ng show?
"No,
marami kami, equally divided," sabi niya. "Ako, honestly, tumaba yung
puso ko nung nalaman ko na marami kami. You know why? I asked them,
‘Bakit dumami?' Sabi nila sa akin, ‘Because you weren't here.' Yun ang
sagot nila sa akin.
"I don't know if I'm allowed to say
this, kasi baka I will get in trouble. Heto na naman ako, nagsasabi na
naman ako ng totoo. Pero ganun, tumaba ang puso ko. Ganun kasarap yung
pakiramdam mo."
Hindi ba siya nai-insecure sa kapwa niya co-host sa Wowowee na si Precious Lara Quigaman na balitang favorite daw ngayon ni Willie?
"I have no reason to be insecure," ngiti ni Mariel.
Wala bang aalisin sa mga bagong co-hosts ni Willie now that she's back?
"Ay,
kawawa naman sila na biglang, ‘Okay na. Thank you, ha.' It's not fair.
And you know what? I had my time. I enjoyed my exposure and everyting
ng Wowowee. Sino ba naman ako para mag...how do I say this?"
Magsolo?
"Yeah,
yeah... From the start, wala akong pakialam kung gaano karami yung ano,
kung sino ang nasa gitna or kung sino or ano. It doesn't matter to me.
Ako, nasa side kasi yung anggulo ko, yun ang importante sa akin.
Promise!" ani Mariel.
