Angeline Quinto reveals father of her unborn baby has children with another woman

by Jojo Gabinete
Dec 10, 2021
angeline quinto pregnant
Angeline Quinto on her boyfriend who has children with other woman but not yet married: "Siyempre, bago ka pumasok sa isang relasyon, meron kang makikikitang mga bagay na kumplikado, so tinanggap ko kahit alam kong may mga kumplikado sa kanya."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Inamin ni Angeline Quinto sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda na limang buwan na ang sanggol sa sinapupunan niya.

Nakatakda siyang magsilang sa April 2022.

September 2021 nang malaman ni Angeline na buntis siya sa magiging panganay na anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Ayon sa Kapamilya actress-singer, takot ang unang naramdaman niya pero napalitan ito ng tuwa at excitement.

Lahad ni Angeline, “Tito Boy, natakot ako noong una kasi, sa totoo lang, hindi ko pa nga alam tingnan yung positive at negative sa pregnancy test, kasi nasanay ako sa swab.

“Ang tagal ko sa CR noon, hindi ako makalabas ng CR. Iniisip ko lang, sinong unang sasabihan ko.

"Sa bahay, wala naman akong sinabihan agad kasi natatakot nga po ako.

“Una, sa trabaho ko. Paano ko masasabi sa mga katrabaho ko.

"Pero bukod naman doon, yung takot na pagiging nanay o sa bata, wala naman."

angeline boy interview

Continue reading below ↓

THE FATHER OF HER BABY

Nagpakatotoo si Angeline nang ipagtapat nitong may dalawang anak sa ibang babae ang kanyang boyfriend, pero binatang-binata ito dahil hindi kasal.

“Nakilala ko po siya dahil kaibigan siya ng boyfriend ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila.

“Nung nagkita kami isang beses, hanggang sa nagkaroon na kami ng communication, nagtuluy-tuloy.

“So ngayon, bale mag-iisang taon mahigit na rin po kami."

Patuloy ni Angeline, “Ganoon pala yun, parang alam mo agad.

"Matagal na rin po akong hindi nagkaroon ng relationship. Nagkakilala kami parang bago pa ang pandemic.

“Siyempre, bago ka pumasok sa isang relasyon, meron kang makikikitang mga bagay na kumplikado, so tinanggap ko kahit alam kong may mga kumplikado sa kanya.

“Sinabi din naman niya sa akin, Tito Boy, yung tungkol sa mga past niya, kasi po meron din siyang anak sa ibang babae.

“Hindi naman ako nagtanong kahit alam ko na. Hindi ako nagtanong, siya mismo [ang nagsabi].”

Continue reading below ↓

Hindi binanggit ni Angeline ang pangalan ng kanyang karelasyon dahil sa kagustuhan niyang maging pribado ang personal na buhay nila.

Nabanggit din ni Angeline na guwapo, baby face, at matanda siya ng tatlong taon sa ama ng kanyang magiging anak.

Bilang babae, pangarap ni Angeline na ikasal siya. Pero sa ngayon, ang isisilang niyang sanggol ang priority raw nila ng kanyang boyfriend.

Mapapanood ang kabuuan ng pakikipag-usap ni Boy kay Angeline sa The Purple Chair Interview na nag-premiere sa The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube ngayong Biyernes ng gabi, December 10.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto on her boyfriend who has children with other woman but not yet married: "Siyempre, bago ka pumasok sa isang relasyon, meron kang makikikitang mga bagay na kumplikado, so tinanggap ko kahit alam kong may mga kumplikado sa kanya."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results