Catriona Gray shares footage of emotional Sam Milby weeks before his dad's passing

by Bernie V. Franco
Dec 10, 2021
Catriona Gray Sam Milby hug
On a December 7, 2021 YouTube video, Catriona Gray shares blindsiding moment when her boyfriend Sam Milby received news about a family emergency during their trip in South Africa. Two weeks after, Sam's father passed away.
PHOTO/S: @misssa on Instagram / YouTube (Catriona Gray)

Nakunan sa video ang pagiging emosyunal ni Sam Milby nang nakarating sa kanya ang isang "family emergency" noong Oktubre 2021.

Magkasama noon si Sam at girlfriend na si Catriona Gray sa South Africa nang matanggap ng Kapamilya actor ang isang malungkot na balita.

Ilang araw nang nasa South Africa noon ang showbiz couple—at ilan pang Pinoy na kasama—para sa gaganaping Miss Universe South Africa 2021 pageant noong October 17, 2021, kung saan naging host si Catriona.

Sa mismong petsa ng grand coronation, nakatanggap si Sam ng balita tungkol sa isang family emergency.

Kasama ang mga eksenang ito sa YouTube video ni Catriona na ipinost nitong December 7, 2021.

Sa video, kita ang lungkot sa mukha ng naluluhang si Sam nang makarating sa kanya ang balita.

Makikitang niyakap at hinalikan ni Catriona si Sam.

sam milby catriona gray hug

Continue reading below ↓

Sam Milby Catriona Gray hug

Nagdesisyon si Sam na umalis agad sa South Africa ilang sandali bago sumalang si Catriona bilang backstage host.

Kinailangan ni Sam na lumipad papunta sa pamilya sa Ohio, U.S.A.

Ani Catriona, ang saya at excitement nila ay napalitan ng lungkot dahil sa family emergency ng boyfriend na si Sam.

Continue reading below ↓

“The excitement the anticipation [that day], but in reality, we were all quite blindsided…" sabi ng former Miss Universe.

“Because earlier that morning, unfortunately, Sam had received news of there being a family emergency, and he found out.

“And decided he needed to leave unexpectedly right before I stepped out on to the red carpet.

“And he left straight away to go to the airport.”

Sa kabila raw ng mga ngiti ni Catriona sa harap ng camera, nag-aalala siya kay Sam at sa pamilya nito.

Sabi ni Catriona, “I put a smile on my face as I stepped out for the camera, for the show…

“But my mind was just constantly with Sam and his family.”

Kasunod nito ay ipinakita sa video ang screenshot ng larawan ni Sam at ama nitong si Lloyd W. Milby.

Kalakip nito ang obituary ng ama ni Sam, na pumanaw noong November 3, 2021 sa edad na 87.

Continue reading below ↓

Ibig sabihin, matapos lumipad ni Sam sa U.S. mula South Africa, lumipas pa ang dalawang linggo bago mamaalam ang kanyang ama.

Sam milby dad lloyd w. milby

Samantala, sa YouTube video ni Catriona tungkol sa kanilang South Africa trip, may mga eksena ng sweet moments nila ni Sam sa mga unang araw nila roon.

Continue reading below ↓

Tila ipinasilip ni Catriona sa video ang relasyon nila ni Sam na hindi naman nila madalas isapubliko.

Sam Milby Catriona Gray sweet

Sam Milby Catriona Gray sweet

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On a December 7, 2021 YouTube video, Catriona Gray shares blindsiding moment when her boyfriend Sam Milby received news about a family emergency during their trip in South Africa. Two weeks after, Sam's father passed away.
PHOTO/S: @misssa on Instagram / YouTube (Catriona Gray)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results