Sa kauna-unahang pagkakataon ay natanong si Janine Gutierrez tungkol sa estado ng kanyang buhay matapos ang hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Rayver Cruz.
Noong November 2021, nabalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isang buwan nang hiwalay sina Janine at Rayver.
Ayon sa source, “no time for each other” ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
Sa December 11 episode ng It’s Showtime, guest si Janine at ina nitong si Lotlot de Leon sa “Madlang PiPOLL segment.”
Bahagi ng segment ang katanungan tungkol sa pagmu-move on.
Ito ay dahil sa naging tanong sa segment na: “Kailan maluwag sa loob mong magka-jowa uli ang ex mo?”
Kasama sa choices ang "C. ‘Pag naka-move on ka na" at "E. Wala kang pake, actually."
Ito ang isinagot ni Jackie Gonzaga nang tanungin ng mga host.
Paliwanag ni Jackie, “Siyempre, dalawa. Dapat C muna, kapag naka-move on ka na kasi after maka-move on ka na, wala ka nang pakialam!”
Tinanong naman ni Amy Perez si Janine kung agree ba siya sa sagot ni Jackie.
Paliwanag ni Janine, “Medyo ako, parang ganun din, e, kasi parang kapag naka-move on ka na, wala ka nang paki.”
Banat naman na tanong ng host na si Vice Ganda kay Janine: “Naka-move on ka na?”
Wala mang binanggit na pangalan pero tila alam na ni Janine na may kinalaman kay Rayver ang tanong nito.
Bilang sagot, sumenyas si Janine na nawalan ng volume ang microphone niya hanggang sa tumawa siya nang malakas.
Hindi man sinagot ni Janine ang tanong ni Vice, nagdagdag ito ng sagot sa choices.
Sabi ni Janine, “Pwede ring B, di ba, kasi kung mas maganda ka, e di wala ka ring paki!”
Muling tanong ni Vice, “Ay, mas maganda ka sa ipinalit sa ‘yo?”
Natatawang tugon ni Janine, “Hindi, sinasabi ko lang! Sinasabi ko lang. In general.”
Tanong naman ni Kim Chiu, “Ipinagpalit ka ba? Di ko pa kasi nakakausap yun, e.”
Nakangiting sagot naman ni Janine, “Wala namang ano... ganern. Wow, sumagot!”
JANINE IS “MUKHANG VERY HAPPY”
Nagsimula ang usapan nang mapansin ng host na si Ogie Alcasid na iba raw ang ngiti ni Janine.
Komento naman ni Vice dito, “Does she look happy or she’s just hiding something?”
Reaksiyon lang ni Janine, “Ay!”
Sagot ni Ogie kay Vice, mukhang “very happy” daw talaga si Janine ngayon.
Kaya naman tinanong ni Kim si Janine kung siya nga ba ay happy.
Sagot lang ni Janine kay Kim, “Happy to see you, Kim!”
Habang nag-aasaran ay sumingit naman si Vice at sinabing may ipinapatanong daw si Ogie kay Lotlot.
Sabi ni Vice, “Itanong ko raw kay Lotlot kung sino yung gusto niya para kay Janine.”
Ngumiti lamang si Lotlot habang sabi naman ni Janine, “Wala na ako diyan, ha!”
Nagbiruan pa sila na kung may choices daw, isama ang former actor na si Benedict Aquino na dating ka-love team ni Lotlot.
Nang sinabi ni Ogie na wala na raw choices, ipinasa ni Lotlot kay Janine ang tanong: “Sino ba, anak?”
Natatawang sagot ni Janine, “Oh, bakit ako? Ikaw daw, e.”
Hanggang sa sinabi na lang ni Lotlot, “Kung saan siya masaya, nandoon ako.”
SOMETHING NEW
Sa kabila naman ng asaran, sumingit si Kim ng tanong: “Bakit meron bang nangyari, Janine?”
Komento lang ni Amy Perez, masaya raw si Janine noong nasa New York siya.
Noong October, nagpunta si Janine sa New York para magbakasyon.
Nag-agree naman si Janine kay Amy, sabay sabi kay Lotlot, “Ma, please, may tanong si Kim.”
Singit na tanong naman ni Ogie kay Lotlot, “Sa tingin mo, saan ba siya mukhang masaya? Saan? Or kanino?”
Sagot ni Lotlot, “Saan? Kasi kung saan, dito, sobrang saya niya,” pagtukoy niya sa pagiging ABS-CBN talent ng anak.
Dugtong ni Lotlot, “Meron siyang bago, di ba?”
Napa-react naman dito ang hosts ng It’s Showtime kaya agad na nilinaw ni Janine ang sinasabi ni Lotlot.
Sabi ni Janine, “Teka, teka, teka, bagong palabas next year! With Lovi Poe sa iWant TFC!”
Nakatakdang gumawa ng series si Janine kasama si Lovi Poe sa iWant TFC sa 2022 na may titulong Sleep With Me.
Inosenteng tanong naman ni Kim, “Sandali, bakit kailangan ng bago?”
Dugtong ni Vice, “At saka sino yung… sino yung… [tumingin kay Kim]… palabas?”
Paglilinaw naman ni Amy, bagong show ang tinutukoy nila Janine at Lotlot.
Nang tanungin muli ni Kim si Janine ung masaya siya, ang naging sagot ni Janine, “Siyempre, nandito tayo, e. Pero mas happy yung madlang pipol!”
