India's Harnaaz Kaur Sandhu is Miss Universe 2021; Beatrice Luigi Gomez makes it to Top 5

by Bernie V. Franco
Dec 13, 2021
miss universe 2021
Harnaaz Kaur Sandhu of India (left) is crowned Miss Universe 2021. Our very own Beatrice Luigi Gomez made it to Top 5.
PHOTO/S: Instagram

Si Harnaaz Kaur Sandhu ng India ang kinoronahang Miss Universe 2021.

Itinanghal namang first runner-up si Nadia Ferreira ng Paraguay at second runner-up si Lalela Mswane ng South Africa.

Si Miss Universe 2020 Andrea Meza ng Mexico ang nagpasa ng korona kay Harnaaz sa 70th edition ng prestigious international pageant na ginanap sa Eilat, Israel ngayong December 12, 2021 (December 13 sa Pilipinas).

Nakaabot naman hanggang Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez.

Si Harnaaz ang ikatlong Miss Universe winner mula sa India.

Una si Sushmita Sen na nagwagi sa Miss Universe 1994 na ginanap sa Pilipinas at pangalawa si Lara Dutta noong 2000.

Miss Universe 2021 Miss India

Continue reading below ↓

India now has three Miss Universe titleholders: L-R Sushmita Sen (1994), newly crowned Harnaaz Kaur Sandhu; Lara Dutta (2000).

Narito ang mga listahan ng mga kandidatang umabante sa bawat selection categories ng Miss Universe 2021: (Click each category see the full story).

Top 3

Top 5

Top 10

Top 16

Samantala, ipinagpatuloy ni Beatrice ang ongoing streak ng Pilipinas na pasok sa semifinals ng Miss Universe.

Sinimulan ito ni Venus Raj na 4th runner-up noong 2010; sinundan nina Shamcey Supsup na 3rd runner-up noong 2011, Janine Tugonon na 1st runner-up noong 2012, Ariella Arida na 3rd runner-up noong 2013, at Mary Jean Lastimosa na umabot hanggang Top 10 noong 2014.

Nasungkit ni Pia Wurtzbach ang ikatlong Miss Universe crown noong 2015.

Pasok din sa semifinals sina Maxine Medina (2016) at Rachel Peters (2017).

Muling naiuwi ng Pilipinas ang Miss Universe crown noong 2018 dahil kay Catriona Gray.

Pareho namang nakapasok sa Top 20 sina Gazini Ganados (2019) at Rabiya Mateo (2020).

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Harnaaz Kaur Sandhu of India (left) is crowned Miss Universe 2021. Our very own Beatrice Luigi Gomez made it to Top 5.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results