Hindi nagpahuli ang dalawang Filipina Miss Universe titleholders na sina Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018) sa pagbati sa bagong hirang na Miss Universe na si Harnaaz Sandhu ng India.
Nakarating kay Harnaaz ang pagbati ni Pia na tinawag niyang “wonderful queen.”
Si Harnaaz ang nangibabaw sa 80 candidates na nagpatagisan sa Miss Universe 2021 pageant na ginanap sa Eilat, Israel nitong December 13, 2021 (Philippine time).
Kasunod ng pagkapanalo ni Harnaaz, nag-post sa Instagram si Pia para batiin ang tatlong beauty queens: ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez na nakapasok sa Top 5, si Miss Universe 2020 Andrea Meza, at si Harnaaz.
Kalakip ng kanyang post ang ang larawan ng tatlong beauty queens.
Sabi ni Pia kay Beatrice, “You made us all proud.”
Binati naman ni Pia si Andrea dahil sa kanyang “such a meaningful reign” bilang Miss Universe.
Panghuli, ipinahayag ni Pia ang galak niya sa newly-crowned Miss Universe na si Harnaaz.
Aniya, “OUR new Miss Universe 2021 is @harnaazsandhu_03 from India. I am excited for the road ahead of you! Enjoy the ride [heart emoji]”
Maging sa Twitter ay bumati rin si Pia kay Harnaaz.
Sabi ni Pia sa pagkapanalo ng Indian titleholder: “A deserving winner imho [in my honest opinion]”

Napansin naman ni Harnaaz ang mensahe sa kanya ni Pia sa Instagram.
Sinabi nitong naantig siya sa mensahe ni Pia.
Buong mensahe ng newly-crowned Miss Universe: “I’m touched [heart and praying hands emoji]
“you are such a wonder queen, it’s an honour for me to take this legacy forward.”

Sa kabilang banda, nag-tweet din si Catriona para batiin si Harnaaz.
Mainit na tinanggap ni Catriona si Harnaaz sa kanilang “Miss Universe sisterhood.”
Ani Catriona: “Congratulations INDIA, Harnaaz! [crown emoji] so well deserved!
“Can’t wait to witness your reign. Welcome to the @MissUniverse sisterhood!”

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
