Sunshine Guimary’s three-story house in Cebu not spared by typhoon Odette

by Arniel C. Serato
Dec 17, 2021
Sunshine Guimary feels sad for her devastated house in Cebu after Tyohoon Odette slams PH
Sunshine Guimary posts pictures of how badly damaged her three-story house in Cebu (center) because of Typhoon Odette.
PHOTO/S: Courtesy: Sunshine Guimary on Facebook

Sirang-sira ang mala-mansiyong bahay ng sexy star na si Sunshine Guimary sa Cebu dahil sa bagyong Odette.

Isa ang Cebu Province sa labis na naapektuhan ng malakas na bagyong Odette.

Unang nag-landfall ang bagyo sa Siargao kahapon, December 16.

Bandang gabi naman, nag-landfall ito sa Visayas Region kung saan sobrang lakas ng hangin at ulan ang dala nito.

Sa kanyang Instagram Stories ngayong Biyernes, December 17, ibinahagi ni Sunshine ang labis na panghihinayang sa naipundar niyang bahay sa lupang sinilangan.

Sa isang larawan, ipinakita niya ang mga basag na salamin na nagkalat sa may hagdanan ng bahay.

Sabi ni Sunshine sa caption: “Ubos na.”

Sunshine Guimary house

Continue reading below ↓

Sa kaparehong larawan, nilagyan naman niya ito ng caption na, “Typhoon Odette.”

Sunshine Guimary house

Ipinakita rin niya ang mga nilipad na bahagi ng bahay sa may front gate.

Sunshine Guimary house

Continue reading below ↓

Sa pang larawan, kita ang nasirang bubong at ang isang puno na nabali sa labas ng bahay.

Sabi ni Sunshine: “I need to go back home immediately.”

Sunshine Guimary house

Ibinahagi rin ni Sunshine sa kanyang Facebook ang mga nasabing larawan.

Continue reading below ↓

Nakilala si Sunshine dahil sa kanyang kaseksihan at mapangahas na roles sa mga pelikula.

Katunayan, sa kanyang unang pelikulang Kaka, bida kaagad ang sexy actress na natuklasan ng Viva dahil sa kanyang sexy photos sa Instagram.

Sa nasabing sexy-comedy movie, pinatunayan ni Sunshine na hindi lamang ito mandirigma sa kama — ang kanyang naging unang bansag — kundi tinawag na rin siyang bandida sa hubaran.

May breast at butt exposure si Sunshine sa Kaka.

Pero kahit baguhan at walang acting experience, ipinakita ng dalaga na hindi lamang sa paghuhubad ang kanyang talento dahil may lalim din ang pag-arte niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Guimary posts pictures of how badly damaged her three-story house in Cebu (center) because of Typhoon Odette.
PHOTO/S: Courtesy: Sunshine Guimary on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results