Winwyn Marquez confirms pregnancy; keeps identity of her partner a mystery

by Jojo Gabinete
Dec 18, 2021
wiwnwyn marquez pregnancy
Winwyn Marquez: “We’re so happy, my partner and I are so happy. We’re over the moon and I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start."
PHOTO/S: Screen grab from Winwyn Marquez's YouTube channel

Ang pag-amin ni Winwyn Marquez na nagdadalang-tao siya ang kumpirmasyon ng blind item na inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 19, 2021, tungkol sa pagbubuntis ng isang aktres na naghatid ng karangalan sa ating bansa.

Si Winwyn ang nanalong Reina Hispanicoamericana sa coronation night na naganap sa Sta. Cruz, Bolivia noong November 2017.

Ngayong Sabado, December 18, 2021, sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel, inamin ng aktres at dating beauty queen ang kasalukuyang kalagayan niya.

Pero naging protective si Winwyn sa kanyang partner dahil bukod sa hindi pagbanggit sa pangalan, tanging kamay at katawan ng karelasyon niya ang ipinakita sa reveal video ng former beauty queen.

winwyn marquez boyfriend

Bungad ni Winwyn sa kanyang five-minute video: “I know it’s been a while. Hindi ko alam kung napansin niyo but I took a break for sometime.

"Nagpahinga muna ako saglit due to personal reasons, and kasama na rin dun of course yung health reasons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I really want to share din sa inyo kung ano yung nangyari sa akin so I made this video para i-explain what happened to me, and I just want to show it in a form of a clip para ma-explain na rin sa inyo."

Sa video ay ipinakita ang pagpunta ni Winwyn sa doktor, ang resulta ng pregnancy test, at ang reaksiyon ng kanyang mga magulang na sina Alma Moreno at Joey Marquez.

winwyn marquez pregnancy

“Buntis ka? Kailan pa ‘yan? Ilang buwan? At least natupad mo na… Alam na ng daddy mo?” sunud-sunod na tanong ni Alma sa video ng pag-uusap nila ni Winwyn.

winwyn marquez pregnancy

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang reaksiyon ng mg magulang ni Winwyn na sina Alma Moreno at Joey Marquez, pati na ang kanyang kapatid, nang malamang buntis ang actress-beauty queen.

Pagpapatuloy ni Winwyn, “Yes, I am so happy, me and my partner were both so happy. My family, everyone.

"Super saya namin and I decided na, me actually and my partner, to share this wonderful news sa inyo.

"Gusto kong sabihin sa inyo yung nangyari sa akin and yung blessing na ibinigay sa amin.

“We’re so happy, my partner and I are so happy. We’re over the moon and I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start."

Nagpasalamat din si Winwyn sa lahat ng mga sumuporta sa kanya, lalo na ang kanyang pamilya.

Saad ng 29-year-old actress, "Thank you sa lahat ng sumuport sa akin ever since Day 1.

"Sa lahat ng tumulong sa akin nung nalaman ko, nalaman namin ito, my family, of course, who’s been very very supportive of me sa journey na ‘to.

“Very emotional, actually. I’m so happy I finally shared sa inyo. I really waited... we waited for the right time to tell everyone about it, so please pray for us.

“Please pray for our small family. Please pray na everything will be fine.

"It’s such a good Christmas gift for me and my partner, for my family, for my parents.

“I am so excited. We are so excited to meet our little bundle of joy soon. That’s the surprise and news I wanted to share sa inyo,” pagtatapos ni Winwyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasalukuyang ginaganap ang presscon para sa pinagbibidahang MMFF 2021 official entry ni Winwyn, ang Nelia, sa City of Dreams sa Parañaque City.

Dito sinabi ni Winwyn na almost six months na ang ipinagbubuntis niya.

HOT STORIES

Use these Udemy coupons when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winwyn Marquez: “We’re so happy, my partner and I are so happy. We’re over the moon and I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start."
PHOTO/S: Screen grab from Winwyn Marquez's YouTube channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results