Emosyunal na muling binalikan ni Kris Bernal ang panahong nalaman niyang hindi na ire-renew ng GMA Network ang kanyang kontrata sa istasyon.
Sa vlog ni Toni Gonzaga na ToniTalks sa YouTube na lumabas noong December 19, 2021, naitanong muli kay Kris ang tungkol dito.
Iyon daw ang panahong kinukuwestiyon ni Kris ang kanyang worth o halaga bilang artista.
Naluluha niyang pahayag, “Yeah. Very difficult talaga for me kasi, parang feel ko ba, throughout my career, nandun ako sa network ko.
“When I finally got the memo na they’re no longer renewing me, parang the first word na nag-struck sa buong katawan ko at buong puso ko, na parang, ‘I was a failure.’
“And parang, 'I just didn’t fail myself but I also failed my family. I also failed my fans,' parang ganun yung dating.
“Pero alam mo na you had given your best. Like, hindi ko alam talaga.”
Kahit isang taon na ang lumipas, kapag sumasagi raw ito sa isipan ni Kris ay nakakaramdam pa rin siya ng kalungkutan.
Saad niya, “I know it was a long time ago, like a year ago, pero hindi ko lang naintindihan bakit.
“Kasi, okay naman. I mean, hindi naman ako nag-a-attitude. And then, sabi ko nga, lagi ko namang ibinibigay yung best ko.
“And actually, until today, question pa rin siya sa akin.”
Inamin din ni Kris na may nararamdaman na siyang insecurities sa mga bagong nagsusulputang talents.
“Nagkaka-insecurities din ako kasi parang siyempre may mga iba na ding bago.
“Kumbaga, parang they're open na din to renewing other actors.”
Naging exclusive talent si Kris ng GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso network, sa loob ng 13 taon.
Nagsimula ito nang manalo siya bilang StarStruck 4 Ultimate Love Team, katuwang si Mart Escudero, noong 2007.
Labindalawa ang pinagbidahang teleserye ni Kris sa GMA-7, kabilang ang Dapat Ka Bang Mahalin?, All My Life, Koreana, Hiram Na Puso, Coffee Prince, Prinsesa Ng Buhay Ko, Hiram Na Alaala, Impostora, at Asawa Ko, Karibal Ko.
Bagamat hindi na siya nakakontrata sa GMA-7, kasama pa rin siya sa cast ng upcoming Kapuso teleserye na Artikulo 247.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
