Watch Now

Barbie Forteza grills Jak Roberto about Klea Pineda's topless scene: "Bakit ka sa baba nakatingin?"

by Rachelle Siazon
Dec 21, 2021
Barbie Forteza and Jak Roberto, Jak Roberto and Klea Pineda on Never Say Goodbye
Barbie Forteza teases boyfriend Jak Roberto about his intimate scenes with Never Say Goodbye leading lady Klea Pineda. In the story, Jak assures Klea that he still loves her even after seeing that she went through mastectomy surgery.
PHOTO/S: Jak Roberto YouTube / Never Say Goodbye (inset)

Hindi inurangan ni Barbie Forteza ang panonood ng intimate scenes ng nobyong si Jak Roberto at ka-love team ng aktor na si Klea Pineda.

Base ito sa reaction video na kinunan ng couple noong magdiwang ng 28th birthday si Jak, at in-upload sa YouTube ngayong Martes, December 21.

Sabay na pinanood nina Barbie at Jak ang Kapuso mini-series na Never Say Goodbye. Umere ito mula October 18 hanggang November 26, 2021.

Sa kuwento, gumanap sina Jak at Klea bilang dating magkasintahan na may gusto pa rin sa isa't isa.

Emosyonal ang karakter ni Klea nang ihayag niya kay Jak na sumailalim siya sa masectomy dahil sa sakit na breast cancer.

Sabay tinanggal ni Klea ang suot niyang damit para ipakita na wala na siyang dibdib.

Hininto ni Barbie ang pinapanood na replay ng serye, sabay tanong kay Jak, "O, bakit ka sa baba nakatingin? Tulala siya, o!"

Depensa ni Jak, "Wala na nga yun dun! Mastectomy, di ba, tinanggal?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kunwa'y inusisa pa rin ni Barbie si Jak tungkol sa lumalabas na breast exposure ni Klea sa eksena.

"Pero sa totoong buhay? Ginawa niyo 'yan. Paano ginawa?

"Kasi nakita ko yung likod, walang tube," ani Barbie.

Iminuwestra pa ni Barbie na kunyari ay itinago ni Klea ang dibdib nito, "Alangan naman itinago muna ni Klea sa P.A. bag yun?"

Sa puntong ito ay natawa si Jak sa hirit ni Barbie.

Halatang nagbibiro si Barbie dahil tumingin ito sa kamera at nagsabing, "Hi, Klea!"

Ipinaliwanag naman ni Jak na may plaster ang dibdib ni Klea sa eksenang iyon.

"Sinecure yun. Nilagyan ng masking tape. Tsaka ano siguro, nilagyan ng kutsinta kutsinta," pahayag ni Jak.

Dagdag ng Kapuso actor, "Yung kulay puti? Di ba, masking yun? Basta secure yun.

"Siyempre, di lang naman ako tao dun. May cameraman..."

Sabi ni Barbie, "Ikaw yung concern ko. Dinadamay mo sila, e."

Nilinaw ni Jak na bahagi ng script ang pagkagulat niya sa kunwa'y topless scene ni Klea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Basta may cover. Sabi ng director titingin... Ta's magkakaroon ng shock," ani Jak.

Nang ipagpatuloy nila ang panonood ng eksena, sabi ni Jak, "Kita mo yumuko pa ako para talaga di ako tumingin dun."

Sa eksena, makikitang masuyong tinakpan ni Jak ng damit ang dibdib ni Klea.

Nanindigan ang karakter ni Jak na tanggap niya nang buong-buo si Klea kahit ano pa ang hitsura nito.

Heavy drama ang eksena, at pinuri ni Barbie ang performance ni Klea roon.

BARBIE ON JAK AND KLEA'S KISSING SCENE

Pero biglang inasar uli ni Barbie si Jak sa sumunod na eksenang pinanood nila.

Kissing scene iyon nina Jak at Klea.

Hirit ni Barbie, "Sabi mo, bilang hustler siya makipag-kissing scene, dapat nasa taas daw yung labi ng babae. Tas yung lalaki nasa ilalim. Kasi ganun daw si Klea."

Paglilinaw ni Jak, "Sabi ko, depende sa height."

Balik-sagot ni Barbie, "Sabi ko, e, kasi di ko abot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Depensa ni Jak, "Kahit ano pa 'yan basta na-feel niyo yung eksena."

Ipinunto ni Barbie na sinasabi raw kasi ni Jak na "cinematic" pag nasa taas ang lapat ng labi ng babae sa isang kissing scene.

"O tingnan mo! Saan nakahalik si Klea? Di ba, sa baba?" ani Barbie.

Pero iyon pala ay may isa pang kissing scene sina Jak at Klea sa teleserye.

Biniro naman ni Barbie si Jak na sa may "inventory" na ng kissing scenes ang nobyo sa dami ng nagawa nitong kissing scenes sa mga teleserye.

Kunwa'y tinakot pa nito si Jak na babawian niya ito sa susunod niyang TV show.

Sabi ni Barbie, "Pag ako nagsimula na yung show ko, pagre-react-in talaga kita. Tingnan ko lang kung di ka magkandarapa sa akin..."

Barbie Forteza and Jak Roberto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BARBIE AND JAK'S DISCLAIMER

Pero sa kabila ng asaran nila, nilinaw nina Jak at Barbie na biruan lamang ito.

Sabi pa ni Barbie, "Oo nga, madaming nadamay. Gusto ko mag-sorry sa mga nadamay."

Ang tinutukoy ni Barbie ay ang onscreen partner ni Jak na si Klea, at pati na rin si Lauren Young na bahagi rin ng Never Say Goodbye.

Paglilinaw naman ni Jak, "Masyadong personal? Nagpaalam naman ako kay Lauren tsaka kay Klea."

Nagsimula ang reaction videos ng couple dahil madalas kantiyawan ng netizens si Jak na baka magselos si Barbie sa kissing scenes ng aktor sa ibang babae.

Pero ilang beses nang nilinaw ni Barbie na hindi ito isyu sa kanila ng nobyo lalo pa't pareho silang artista at alam nilang bahagi ito ng kanilang trabaho.

Higit apat na taon na silang magkasintahan.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza teases boyfriend Jak Roberto about his intimate scenes with Never Say Goodbye leading lady Klea Pineda. In the story, Jak assures Klea that he still loves her even after seeing that she went through mastectomy surgery.
PHOTO/S: Jak Roberto YouTube / Never Say Goodbye (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results