Itinigil na muna ni Rabiya Mateo ang paghahanap sa kanyang biological father na isang Indian national.
Matatandaang isa sa mga hangarin ni Rabiya matapos niyang manalo bilang Miss Universe Philippines 2020 noong nakaraang taon ay mahanap ang kanyang ama.
Si Rabiya ay limang taong gulang lamang noon nang iwan ng kanyang biological father. Simula noon ay hindi na niya ito muling nakita.
Tanging ang ina ni Rabiya ang nagpalaki sa kanya sa Iloilo.
Umasa si Rabiya matapos manalo sa national pageant, matutunton niya ang kanyang ama.
Sa nakuha niyang impormasyon, isang doktor ang tatay niya at naninirahan sa Chicago sa Amerika.
"WHAT IF HE'S NOT READY?"
Matapos ang isang taon, nag-iba ang ihip ng hangin.
Sabi ng beauty-queen-turned-actress, tumigil na siya sa paghahanap sa kanyang biological father.
“It’s actually a sad story because I believe I did my part in looking for him,” pagbabahagi ni Rabiya sa PEP.ph noong November 23, 2021.
"I tried to talk to people even with his last name living in Chicago. Maybe it’s not yet time.”
May posibilidad daw kasing hindi handa ang kanyang ama na makipagkita sa kanya.
"Kasi I’m also scared for the fact that, what if alam na niya yung news about sa akin? And what if he’s not ready because he has a family?”
Ayaw raw niyang mailagay sa alanganin ang ama kung hindi pa ito handang makipagkita sa kanya.
"I don’t wanna force something na he’s not ready to take responsibility of seeing me.
"Or marami kasing possible na dahilan.
"And in situations like this, I have to have the heart to be open for all possibilities."
NOT CLOSING HER DOORS
Ang sigurado raw si Rabiya, hindi niya tatalikuran ang ama kapag dumating ang pagkakataong magkita sila.
Lahad niya: "I’m also not closing any doors yet kasi if it’s meant to be, it’s gonna happen.
"And he’s my dad. Deep down in my heart I will never exist in this world if not for him.
"And regardless of the issue in the past, kahit sinabi na nila na, ‘Your dad left you. Your dad abandoned you,’ sabi ko he’s still my dad.
"And if ever we’re gonna meet each other, and he needs me, I’m gonna be that responsible daughter na aalagaan siya.
"Pero as of now po, wala pa po talagang balita. Wala pa pong progress at all."
