PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Enchong Dee charged with cyber libel in Claudine Bautista case

Davao Occidental prosecutors call Enchong's tweet "reckless and irresponsible."
by Rachelle Siazon
Published Jan 4, 2022
Enchong Dee and Claudine Bautista-Lim
Davao Occidental prosecutors charge Kapamilya actor Enchong Dee with cyber libel following his "reckless" and "irresponsible" tweet about Congresswoman Claudine Bautista-Lim's Balesin wedding.
PHOTO/S: @mr_enchongdee Instagram

Nahaharap si Enchong Dee sa kasong cyber libel o paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 dahil sa paninirang-puri niya umano kay Congresswoman Claudine Bautista-Lim.

Si Bautista-Lim ay representante ng party-list na Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.

Ang ama niyang si Claude Bautista ay incumbent Davao Occidental governor.

Ayon sa ulat ng Rappler noong December 28, 2021, ang nine-page resolution ng prosecutors ng Davao Occidental ay may petsang November 16, 2021.

Nagdesisyon ang prosecutors ng Davao Occidental na may sapat na basehan na makasuhan si Enchong.

Ito ay dahil sa "reckless and irresponsible tweet" ni Enchong na may ginawang "malversation of public funds" si Bautista-Lim.

Nagdulot daw ito ng matinding batikos ng netizens laban sa kongresista.

Sa parehong resolusyon ay nakasaad na inireklamo rin ni Bautista-Lim sina Agot Isidro, Pokwang, at Ogie Diaz.

Pero ibinasura ito ng piskalya dahil hindi kinakitaan ng "malice" at "ill-motive" ang simpleng paghayag ng disgusto ng tatlong artista sa kasal ng kongresista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maituturing daw na self-appointed "watch dogs of our society" ang intensiyon nina Agot, Pokwang, at Ogie.

CLAUDINE BAUTISTA-LIM'S COMPLAINT

Nag-ugat ang kasong cyber libel sa tweets nina Enchong, Agot, Pokwang, at Ogie noong August 14, 2021.

Noong panahong iyon, mainit na pinag-usapan ng netizens sa Twitter ang anila'y magarbong kasal ni Bautista-Lim sa kababata niyang si Jose French "Tracker" Lim.

Ginanap ang kasal sa Balesin Island Resort sa Polilio, Quezon.

Ni-repost ng netizens ang mga litrato ni Bautista-Lim na suot ang wedding gown na gawa ng international fashion designer na si Michael Cinco.

Nakiisa si Enchong—pati na sina Agot, Pokwang, at Ogie—sa paghayag ng kanilang disgusto sa sinasabi ng netizens na "lavish" wedding ng kongresista habang ang nirerepresenta nitong drivers ay nahihirapan sa gitna ng pandemya.

Mariing inalmahan ito ni Bautista-Lim.

Humingi ng paumanhin si Enchong sa pamamagitan ng kanyang Twitter post noong August 18, 2021.

Pero nagsampa pa rin si Bautista-Lim ng reklamong cyber libel laban kay Enchong sa Office of the Provincial Prosecutor sa Davao Occidental noong August 23, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya nito kung saan sinabi ni Bautista-Lim na walang karapatan ang apat na artistang husgahan siya dahil ni hindi raw niya kilala ang mga ito nang personal.

Sa kaso ni Enchong, tinawag niyang "defamatory" at "malicious" ang tweet ng aktor na napunta sa kasal ng kongresista ang pondong dapat sana'y para sa nirerepresenta nitong drivers at commuters.

Pinalabas daw ng aktor na siya ay isang "corrupt public official" at "insensitive" sa kanyang nasasakupan.

Ipinaliwanag ni Bautista-Lim na para lamang sa kanyang malapit na mga kapamilya at kaibigan ang pribado niyang wedding.

Pero nagkataong naisapubliko ito nang i-post ni Michael Cinco sa Instagram ang ilang litrato niyang suot ang kanyang wedding gown.

CLAUDINE BAUTISTA-LIM'S BACKGROUND

Idiniin ni Bautista-Lim na regalo ng kanyang negosyanteng mister ang tuparin ang kanyang "once-in-a-lifetime-and-a-childhood-dream wedding."

Ipinaliwanag niya na ang kanyang mister ay galing sa pamilyang nagmamay-ari ng siyam na kilalang car dealerships sa Davao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang mother's side ng pamilya ni Bautista-Lim ay kilala rin daw sa kanilang probinsya dahil sa iba-ibang negosyo at farm lands.

Hindi niya tuwirang binanggit, ngunit kasalukuyang gobernador ng Davao Occidental ang ama ni Bautista-Lim.

Inihain ni Bautista-Lim ang kanyang "personal achievements and accomplishments" para ipakita raw ang pangalang nagawa para sa sarili.

Nayurakan daw ito ng diumano'y mapanirang tweet ng aktor.

May halagang PHP1 billion ang moral at exemplary damages na hinihingi ni Bautista-Lim mula kay Enchong.

Nitong January 3, 2022, kinumpirma ni Ogie Diaz, nang makausap siya ng PEP.ph sa kanyang munting birthday celebration, na na-dismiss ang cyber libel complaint na isinampa sa kanya, pati na rin kina Agot at Pokwang.

Pero hindi raw tuluyang makapagbunyi si Ogie dahil sa kaalamang si Enchong ay nahaharap pa sa kaso.

Si Enchong ay tahimik pa rin tungkol sa isyu.

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Davao Occidental prosecutors charge Kapamilya actor Enchong Dee with cyber libel following his "reckless" and "irresponsible" tweet about Congresswoman Claudine Bautista-Lim's Balesin wedding.
PHOTO/S: @mr_enchongdee Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results