Ai-Ai delas Alas details encounter with an exhibitionist on a plane

by Jojo Gabinete
Jan 7, 2022
ai-ai delas alas plane encounter
Kapuso star Ai-Ai delas Alas relates traumatic experience with an exhibitionist seated right next to her during their flight to Los Angeles, California this Friday morning, January 7, 2022. Before the incident, Ai-Ai was even able to take a selfie photo with the exhibitionist (right).
PHOTO/S: Courtesy of Ai-Ai delas Alas

Just in: Natagalan ang paglabas ni Ai-Ai delas Alas mula sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles, California, ngayong Biyernes ng madaling-araw, January 7, 2022 (Biyernes ng gabi, Manila time).

Ito ay dahil inimbestigahan siya ng mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) tungkol sa insidenteng nangyari sa loob ng eroplanong sinakyan niya galing sa Dulles Airport sa Dulles, Virginia.

Kasama sa imbestigasyon ang mga flight attendant ng airline company na tumayo bilang mga testigo. Sila ang nagtimbre sa FBI tungkol sa indecent exposure na ginawa ng isang male passenger kay Ai-Ai.

Sabi ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, “Nilalabas niya yung t*t* niya. Natakot ako, bigla akong tumayo, inireklamo ko siya sa flight attendant. Nanginginig ako.

“Ang akala ko, hindi ako naintindihan ng flight attendant. Yun pala, style niya yun para hindi magkaroon ng commotion.

“Nagpalipat ako ng upuan, iyak ako nang iyak. Grabe, parang naawa ako sa sarili ko. Wala kasi si Gerald, solo lang ako bumiyahe.”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy na "Gerald" ni Ai-Ai ay ang kanyang mister na si Gerald Sibayan. Pansamantalang naninirahan ngayon ang mag-asawa sa Northern Virginia, USA.

Patuloy ng Comedy Queen, “Akala ko, hindi na ako tutulungan ng mga flight attendant.

"So, yung lalakeng katabi ko sa upuan na nilipatan ko at mukhang mabait, inabutan ko ng note na may nakasulat na, 'Pagbaba natin, puwede po bang tulungan niyo ako kasi pinagtitripan ako ng katabi ko. Natatakot po ako.'

“Yun pala, naintindihan ako ng flight attendants. Nilapitan ako ng isang male flight attendant, from Seat Number 30, pinalipat niya ako sa Seat Number 10.

“Sabi niya, ‘Later on, the police will get him.’

“Tapos, tatanungin daw ako ng FBI dahil federal offense daw yun. Kailangan daw sagutin ko yung mga katanungan.”

THE INCIDENT INSIDE THE AIRPLANE

Kasunod nito ay detalyadong ikinuwento ni Ai-Ai sa PEP.ph ang karanasang nagbigay sa kanya ng sobrang takot dulot ng nakatabing exhibitionist

Continue reading below ↓

“Limang oras ang biyahe ko. Sumakay ako ng eroplano ng 10 p.m. sa Dulles Airport.

"Then, after mag-take off, pinatay na yung mga ilaw. Bising-busy ako sa pag-browse sa cellphone ko dahil gusto kong manood ng movie, hindi ko ma-download.

"Tapos, sa peripheral vision ko, nakikita ko na tinatakluban niya ng kumot ang mukha niya, tapos aalisin niya. Ang akala ko, hindi siya makatulog.

“Sa peripheral vision ko, nakita ko na inilabas niya yung t*t* niya, pero in denial ako dahil naunahan ako ng takot. In denial ako na may ginagawa siya.

"Pero nang makumpirma kong tama yung kutob ko na nilalaro nga niya yung t*t* niya, nakatingin sa akin, napasigaw ako ng ‘What?!’

"Nung sabihin ko na 'What?!' lalo niyang nilaro yung t*t* niya, dun na ako tumayo at nagsumbong sa flight attendant.

“Sabi ko, 'He’s showing his penis to me.' Pero ang akala ko nga, hindi ako naintindihan dahil ang sabi lang niya, 'What?'"

Continue reading below ↓

Lahad pa ni Ai-Ai, "Nilapitan ng flight attendant yung lalake pero nagtalukbong lang ng kumot. Nag-pretend na natutulog.

“Binalikan ako ng flight attendant, tinanong ako ng ‘Are you alright?’ Pero iyak lang ako nang iyak. Natakot talaga ako, nanginginig ang buong katawan ko.

“Nang malapit na kaming mag-landing, nag-announce yung pilot na huwag munang bumaba ang mga pasahero. [In Tagalog] 'Sasabihin namin kapag puwede na kayong bumaba, may aasikasuhin lang.'"

Nang lumapag na raw ang eroplano ay umakyat ang mga airport police at dinampot na ang lalaking exhibitionist. Pinosasan daw ito at unang pinababa mula sa eroplano.

Ayon pa kay Ai-Ai, "Pagbaba namin, kinuhanan ako ng statement ng FBI, pati yung mga flight attendant. Parang naawa sila sa akin dahil nakita nila iyak ako nang iyak.

“Sa five hours na biyahe namin, dalawang oras akong umiiyak.”

Sa tantiya ni Ai-Ai, twenty years old ang male passenger na gumawa ng kalaswaan sa kanya at tila minaliit ang pagkatao niya.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Akala niya siguro hindi ako magko-complain kasi para nga akong illiterate, di ba?

"Kasi may nakalagay na notice na yung charging ng mga cellphone, nasa ilalim ng seats. E, wala akong makita, so nagpatulong ako sa kanya.

"In fairness, yung charger ko, inilagay niya sa ilalim kaya siguro ang feeling niya, tatanga-tanga ako kaya ginanoon ako. Ang akala niya siguro, mangmang ako."

Agad na ipinaalam ni Ai-Ai kay Gerald, na naiwan sa Virginia dahil may trabaho, ang insidente.

Pero bago nangyari ang insidente, nakunan pa ng litrato ng Kapuso star ang exhibitionist dahil na rin sa bilin ng kanyang asawa.

ai-ai delas alas exhibitionist

Continue reading below ↓

Kuwento ni Ai-Ai, “Nang sumakay ako sa eroplano, sinabi ko kay Gerald na, ‘Darl, alam mo may katabi ako sa upuan na parang addict-addict.’

“Sabi sa akin ni Gerald, 'Sige, mag-selfie ka para may ebidensiya.' So, nag-selfie ako.

“Aba, nang mag-selfie ako, nag-pose din siya! Nagpa-picture din siya kaya may selfie photo kami."

Dagdag niya, “Talagang may pakiramdam ako na may something siya dahil sa departure gate pa lang, napansin ko na siya.

“Gabing-gabi, nakasuot ng shades, at kapag nahuhulog ang cap na suot niya, slowmo ang kanyang kilos. Hirap na hirap siyang damputin ang cap niya.”

Tumagal ng isa at kalahating oras ang imbestigasyon ng FBI kay Ai-Ai, samantalang naiwan at naka-detain sa airport ang exhibitionist dahil sa reklamong isasampa laban sa kanya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Ai-Ai delas Alas relates traumatic experience with an exhibitionist seated right next to her during their flight to Los Angeles, California this Friday morning, January 7, 2022. Before the incident, Ai-Ai was even able to take a selfie photo with the exhibitionist (right).
PHOTO/S: Courtesy of Ai-Ai delas Alas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results