Ex-PBB Teen housemate Joe Vargas engaged to non-showbiz girlfriend

by KC Cordero
Jan 8, 2022
joe vargas bianca yanga engaged
Ibinahagi ni Joe Vargas at ng kanyang non-showbiz GF na si Bianca Yanga sa kanilang IG posts ang mga larawan nang mag-propose ang ex-PBB Teen housemate.
PHOTO/S: Instagram

Engaged na ang dating Pinoy Big Brother Teen Class 2010 housemate na si Joe Vargas sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Bianca Yanga.

Ngayong Sabado, January 8, 2022, nag-post si Joe sa kanyang Instagram ng larawang kuha nang mag-propose siya kung saan nakaluhod ito sa harap ni Bianca habang hawak ang engagement ring.

Joe Vargas proposing to Bianca Yanga

Continue reading below ↓

Ang kanyang caption: “The Love of My Life said “YEZZIR”. Sigurado ako maganda kalalabasan ng anak namin, YEZZIR ulit.

“Salamat sa lahat ng mga taong masaya para samin. Mahal namin kayo.

“PS. Napaka puti mo sa pic ng magka hug tayo @byanga love it.”

Nag-post din si Bianca sa IG ng kanyang engagement ring na may caption: “A perfect way to [ring emoji] in the New Year. I love you, my @meetjoeblack28.”

Bianca Yanga showing her engagement ring

Continue reading below ↓

Joe Vargas and Bianca Yanga showing her engagement ring

Naging bahagi si Joe Vargas ng Pinoy Big Brother: Teen Clash noong 2010.

Lumabas din siya sa ilang movies gaya ng Apple of My Eye noong 2019, She’s Dating the Gangster at The Legal Wife noong 2014, at sa teleseryeng Mutya noong 2011.

Kasama rin siya sa cast ng teleseryeng Di Na Muli na pinagbidahan ni Julia Barretto sa TV5.

Continue reading below ↓

Ang bagong engaged na couple ay kilala ring malapit na kaibigan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinahagi ni Joe Vargas at ng kanyang non-showbiz GF na si Bianca Yanga sa kanilang IG posts ang mga larawan nang mag-propose ang ex-PBB Teen housemate.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results