Korina Sanchez draws flak over post about being COVID-free; says she miscalculated words in caption

by Arniel C. Serato
Jan 10, 2022
Korina Sanchez insensitive post
Korina Sanchez draws flak for saying she never contracted COVID because "Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram / Twitter

Pinag-usapan ngayon ng netizens ang deleted post ng veteran broadcaster na si Korina Sanchez kahapon, January 9.

Mababasa sa deleted post ni Korina: “IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”

Kalakip nito ang swimsuit photo ni Korina na kuha sa isang beach.

Korina Sanchez deleted post

Continue reading below ↓

Ayon sa ilang netizens na nakabasa ng post ni Korina, "off" at "insensitive" ito lalo na ngayong bumubulusok muli ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Matapos ang ilang minuto, in-edit ng Rated Korina host ang kanyang caption.

Nakalagay na rito: “IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase baka nakakatulong yung may natutulungan din? Please bless and heal all those infected.”

Korina Sanchez deleted post

Continue reading below ↓

TONE DEAF?

Sa Instagram, makikita pa rin hanggang ngayon sa Instagram Stories ng content creator na si Ate Dick, na dating kilala bilang Inah Evans, ang screenshots ng deleted post ni Korina.

Pasaring nito sa caption: “KAYA KAYO TUMULONG KAYO KUNG AYAW NIYO MAGKACOVID”

Korina Sanchez insensitive post

Dagdag pa ng netizen: “AY WAIT BINAGO NA PALA CAPTION BASTA TUMULONG PA RIN OKEI.”

Continue reading below ↓

Korina Sanchez insensitive post

Sa isa pang screenshot, ibinahagi ng Ate Dick ang kanyang komento sa post ni Korina.

Sabi niya, “Tone deaf naman po Ms Korina.”

Sumagot dito si Korina.

Sabi ng veteran broadcaster: “Talaga ba? Nagpasalamat lang na di pa na covid tone deaf na? Baka ikaw? [thumbs down emoji]”

Caption ng netizen sa kanyang post, “HALA LAGOWT! SA DAMI NG COMMENTS TAYO ANG LUCKY WINNER SA GRAND DRAW!”

Continue reading below ↓

Korina Sanchez insensitive post

Sa Twitter, nagkomento rin ang dating Survivor Philippines castaway na si Kiko Rustia sa post ni Korina na ibinahagi ng netizen.

Opinyon ni Kiko, “Wala sa lugar yung post nya, lalo na yung pag flex nya ng photo nyang yan plus that original caption. Sobrang off.”

Continue reading below ↓

Burado na ngayon sa feed ni Korina ang nasabing post niya.

NEW INSTAGRAM POST

Ngayong araw, January 10, nag-post muli si Korina ng kanyang swimsuit photos.

Sa caption ay nagpasalamat siya sa Panginoon na hindi siya kailanman nagpositibo sa COVID-19.

Mensahe ni Korina: “Thank you Lord. So many sick and infected. Ive never been positive—- even as Im all over for work I have to do.

"Frontliner pa ako ngayon sa househelp and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito.”

Sa comments section, isang netizen ang nagsabing mabuti at binura na ni Korina ang nauna nitong post.

Tugon ni Korina: "Miscalculation of words in caption. This is what I meant."

Korina Sanchez insensitive post

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez draws flak for saying she never contracted COVID because "Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results