Diretsahang sinagot ni Markki Stroem, 34, ang tanong tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Marvin Agustin, 42.
Sa Radyo Singko program ng entertainment columnist na si Cristy Fermin noong Lunes, January 10, 2021, tahasang tinanong si Markki tungkol sa ugnayan nila ni Marvin.
Ilang taon nang iniintriga ang dalawa dahil sa mga lumabas nilang travel photos, katulad sa Batangas at Japan.
May lumabas din silang larawan na magkatabing nakahiga.
Ayon kay Markki, mayroon siyang on-and-off friendship kay Marvin.
“In terms of Marvin… Marvin, friend ko iyon.
“Hanggang ngayon, friend pa rin kami. And in my opinion…” sandaling nag-isip si Markki.
Pagpapatuloy niya, "It is our world. We can be friends with whoever we want to be.
“And minsan we’re good friends, and minsan hindi masyadong good friends.
“Minsan hindi na kami okay. Minsan okay pa kami.”
Dagdag ni Markki, “In terms of relationship with different people and, in my opinion, I don’t really like to talk about my relationships with people, in general.
“Even yung girlfriends, whatever, hindi ko binabanggit ang mga pangalan ng mga naging relationships ko because it’s not my story to tell.”
Sa previous interviews, sinabi rin nina Markki at Marvin na friendship lang ang namamagitan sa kanila.
PIOLO PASCUAL AND PAST GIRLFRIENDS
Matapos sagutin ang isyu kay Marvin, sinundot ito ng tanong tungkol sa sightings sa kanila ni Piolo Pascual.
Madalas daw kasing makita noon sina Markki at Piolo na nagdya-jogging sa Bonifacio Global City, sa Taguig.
Saad ni Markki, “Same management din kami [ni Piolo]. We’re friends.
“Friends kami ngayon [ni Piolo], friends din kami ni Marvin, friends din kami actually… madami mga actors.
“But in the end of the day, nowadays, yung mga friends ko are outside of the industry.”
Ipinaliwanag ni Markki na bagamat may mga kaibigan siya sa showbiz ay hindi siya nakikipagkaibigan nang malalim.
“I mean, nakita ko si Moira [dela Torre] sa Cornerstone Christmas party, hinug ko siya. Hinug ko din si Catriona [Gray].
“Friend ko sila, pero hindi kami sobrang close, like katulad dati na lahat ng buhay ko is in the industry.”
Paliwanag ni Markki, malaki kasi ang posibilidad na pagtsismisan ang personal na buhay kapag ang mga ka-close niya ay mula rin sa industriya.
MARKKI ON GAY ISSUE
Nagsalita rin si Markki sa mga taong pinaparatangan siyang “bakla.”
“Isipin niyo na lang kung ano ang gusto niyong isipin," mensahe niya.
“In the end of the day, wala na akong paki, to be honest, sa mga sinasabi ng mga tao.
“Sinasabi ko nga, kaya di ako nananalo ng award kasi sobrang straightforward akong tao, e.
“Sinasabi ko kung ano ang pumapasok sa utak ko, and sinasabi ko kung anong nararamdaman ko as a person.
“Kung ayaw nilang tanggapin at maniwala kung ano ako, sa kanila na lang iyon.
“Pero in the end of the day, I live my life so happily.”
Ipinaliwanag ni Markki ang pag-identify niya sa sarili bilang “demi-sexual.”
“LGBTQ, may plus-plus din sa dulo. It represents yung mga tao who are somewhere in between,” paliwanag ng actor-singer.
“I’ve had sex with a lot of people. Naa-attach ako emotionally.
“Pero sa lahat ng na-try ko in the past year, baka dahil sa pandemya na ito, nawawalan ako ng sex drive.
“Minsan nakahiga lang ako. Pag sex ang pinag-uusapan dito at tina-try nila lahat, pero hindi ako naa-arouse, nawawalan ako ng arousal.
“Pero pag attached ako sa person, pag in love ako, minsan nagwo-work, kasi may emotional attachment.
“So, demi-sexual—sa pagitan ng pagiging sexual at asexual—which means walang sexual attraction.”