Is there brewing tension between Andrea Brillantes and Francine Diaz over Seth Fedelin?

by Rachelle Siazon
Jan 13, 2022
Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin
Both Andrea Brillantes (left) and Francine Diaz (right and inset) trend on Twitter as netizens speculate about why Andrea suddenly unfollowed Francine on Instagram. This happened just when netizens spotted Seth Fedelin (left and inset) at a gathering with Francine's family. Seth is Andrea's love team for a digital series.
PHOTO/S: @blythe / @francinesdiaz Instagram / CTTO Twitter (inset)

May namumuo bang tensiyon sa pagitan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz?

Ito ang usap-usapan ng netizens matapos kumalat sa social media ang family picture ni Francine kunsaan namataang kasama niya si Seth Fedelin.

Sina Andrea, Francine, at Seth ay miyembro ng "Gold Squad" mula sa defunct Kapamilya series na Kadenang Ginto.

Kasali rin sa grupo si Kyle Echarri na katambal ni Francine, habang si Seth ay ka-love team ni Andrea sa top-rating afternoon show nila noong 2018.

Ongoing pa rin ang tambalan nina Seth at Andrea sa pinagbibidahan nilang digital series na Saying Goodbye.

Ngayong Huwebes, Enero 13, 2022, trending sa Twitter ang mga pangalang "Blythe, Francine, Chin, at FranSeth."

Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin, Twitter trend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Blythe ang palayaw ni Andrea, Chin ang palayaw ni Francine, at tumutukoy naman ang FranSeth sa ugnayang Francine at Seth.

Marami ang nasorpresa kung bakit kasama si Seth sa salu-salo sa pamilya ni Francine.

FranSeth, Seth Fedelin, Francine Diaz

Napatanong ang fans kung senyales ba itong may espesyal na ugnayan ang dalawa sa tunay na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang malinaw na kasagutan dito dahil tahimik lang sina Francine at Seth sa isyu.

ANDREA UNFOLLOWS THEN FOLLOWS BACK FRANCINE

Sa kabilang banda, hindi nakaligtas sa netizens na in-unfollow ni Andrea si Francine sa Instagram sa di malamang dahilan.

Andrea Brillantes, Francine Diaz

Andrea Brillantes, Francine Diaz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patunay nito ay ang screenshots na makikitang hindi nga naka-follow si Andrea kay Francine, habang si Francine ay naka-follow pa rin kay Andrea.

Andrea Brillantes

Francine Diaz, Andrea Brillantes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agaw-pansin din ang sinasabi ng netizens na cryptic posts ni Andrea na hinihinalang may kinalaman umano kina Francine at Seth.

Tila may hugot daw ang Instagram Story ni Andrea na nakikinig ng kantang "Paano" ni Zack Tabudlo.

Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin

Dagdag pa rito ang TikTok ni Andrea na bagong gising habang nagpatugtog ng "Lose You To Love Me" ni Selena Gomez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andrea Brillantes, Francine Diaz

Bahagi ng minouth ni Andrea na lyrics, "I gave my all and they all know it / You turned me down and now it's showing / In two months, you replaced us."

Andrea Brillantes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FANS DEFENDING FRANCINE

Hati ang reaksiyon ng fans nina Francine at Andrea sa isyu.

Sa kaso ng fans ni Francine, kinuwestiyon nila ang tingin nila'y "cryptic posts" ni Andrea ukol sa kumalat na picture nina Seth at Francine.

Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin

Sinasabing dahil sa cryptic posts ay nagkaroon ng debate sa pagitan ng fans ng dalawang batang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin

May isa pang netizen ang nagtanong kung bakit maaapektuhan si Andrea sa hinihinalang ugnayan nina Francine at Seth sa tunay na buhay kung "love team lang naman" daw sina Andrea at Seth.

Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FANS DEFENDING ANDREA

Sa kabilang banda, naghayag ang fans ni Andrea na sana ay respetuhin ang kanilang idolo sa kung anuman ang nararamdaman nito hinggil sa isyu.

Andrea Brillantes, Francine Diaz

Hindi raw dapat sisihin si Andrea kung nasasaktan man ito sa isyu.

Andrea Brillantes, Francine Diaz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Please respect Blythe's feelings," sabi pa ng ibang fans ni Andrea.

Andrea Brillantes, Francine Diaz

Makalipas ang ilang oras ay napansin ng fans na nag-follow muli si Andrea kay Francine.

Andrea Brillantes, Francine Diaz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Both Andrea Brillantes (left) and Francine Diaz (right and inset) trend on Twitter as netizens speculate about why Andrea suddenly unfollowed Francine on Instagram. This happened just when netizens spotted Seth Fedelin (left and inset) at a gathering with Francine's family. Seth is Andrea's love team for a digital series.
PHOTO/S: @blythe / @francinesdiaz Instagram / CTTO Twitter (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results