PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kakai Bautista advice to youths who act as adults in social media

"Taas kamay ng mga adult na pero sila paren naglalaba ng underwear nila!!!!”
by Arniel C. Serato
Published Jan 20, 2022
Kakai Bautista reminds wokes of their personal responsibility
Kakai Bautista: "Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng adult sa social media, matuto muna kayong maglaba ng mga panty at brief nyo."
PHOTO/S: Courtesy: @ilovekaye on Instagram

Napagdiskitahan ng comedienne na si Kakai Bautista ang mga kabataang nagpapaka-adult at nag-iinarte umano sa social media.

Sa kanyang Facebook post kahapon, January 19, 2022, pinayuhan ni Kakai ang mga itong maging responsableng kabataan muna sa kanilang sarili bago maging “woke” sa social media.

Pabirong payo pa niya, dapat daw kahit may mga kasambahay ang mga kabataang ito ay matutong maglaba ng kanilang sariling underwear.

Buong mensahe ni Kakai: “Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng Adult sa Social Media, Matuto muna kayong maglaba ng mga Panty at brief nyo. [lauging emij]

“Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA.

#justsaying

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasunod niyang post, sinabi ni Kakai na siya ang naglalaba ng kanyang underwear pero minsan ay may tagabanlaw siya.

Aniya, “FYI ako ang naglalaba ng mga Panties ko [laughing emoji]

“Babad muna tapos banlaw. [laughing emoji]

“Si Lucy minsan taga banlaw. Ayoko kase talaga ipalaba sa iba. Personal Hygiene yun eh.

“Taas kamay ng mga adult na pero sila paren naglalaba ng underwear nila!!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may ilang netizens na hindi natuwa sa kanyang mensahe.

Payo ni Kakai, huwag nang problemahin ng mga ito ang kanyang mukha at ugali kundi ang kani-kanilang sarili.

Mensahe ng singer-comedienne, “Sarap Tumawa guysh.

“Usapang panty tayo today. [laughing emoji]

“Sana ok lang kayong lahat dyan lalo na mga masusugid kong Followers.

“At yung mga dumadaan at tumatambay dito na nang-uurat lang, alis nalang kayo.

“Wag nyo nang istress ang mga sarili nyo sa MUKHA ko at UGALI.

“Problemahin nyo nalang sarili ninyo. Juskow [laughing emojis]

“Maraming Salamat sa suporta sa mga REAL TALK ko. [heart emoji] Sana may napupulot kayo. Labyuh beybies!!!!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
Kakai Bautista, hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista: "Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng adult sa social media, matuto muna kayong maglaba ng mga panty at brief nyo."
PHOTO/S: Courtesy: @ilovekaye on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results