Veteran actress Boots Anson Roa-Rodrigo is thankful to all the fans of Mano Po Legacy: The Family Fortune .
Bukod sa mataas na ratings, pinupuri ng lahat ang mga pagganap ng mga artista at ang kuwento ng primetime drama series na joint venture ng Regal Entertainment Inc. at ng GMA Network Inc.
Si Boots ang gumaganap na Consuelo Chan, ang matriarch ng Chan family.
Naniniwala ang beteranang aktres na nagustuhan ng televiewers ang Mano Po Legacy: The Family Fortune dahil sa kuwento nito.
“Salamat sa maraming manonood ng Regal/GMA seryeng Mano Po,” sabi ni Boots sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
“Maganda at makatotohanan ang istorya nito, hindi lamang para sa mga Chinoy kundi para sa buong madla.
“Isinisiwalat ng serye ang mga pangyayari na bumabalot sa mga marangya at mayayamang angkan, ang mga misteryo at mga paghamon na bumabalot sa kanilang mga buhay.
“Sa palagay ko, gusto ng mga tao ang Mano Po dahil nakikita nila ang kanilang mga sarili sa iba't ibang tauhan at sa mga eksena na napapanood nila.
“Mga singkit lang nga ang mga bida at ang mga apelyido nila ay Chan, Yu, Co, atbp., pero ang mga puso, diwa, at karanasan nila ay Pinoy na Pinoy."
Dagdag pa ni Boots, “Siyempre, mataas ang production value ng serye at masusi itong pinagkakaabalahan ng producers at direktor.
“Salamat sa Regal Films dahil lima sa pitong Mano Po films ay kasama ako kayo may pitak na sa pagkatao ko itong Mano Po bilang teleserye.
“Salamat sa GMA-7 dahil binigyang buhay nila ang kuwento at namuhunan sila sa telebisyon nang puno ng atensyon at kalidad sa produksyon.”
BOOTS ALMOST DID NOT ACCEPT MANO PO LEGACY
Sa tunay na buhay, si Boots ang matriarch ng kanilang pamilya kaya madali para sa kanya ang gampanan ang karakter ni Consuelo Chan.
Pero marami ang hindi nakakaalam na muntik na niyang hindi tanggapin ang Mano Po Legacy dahil sa coronavirus pandemic.
Saad ni Boots, “Sa tunay na buhay, matriarch din ako ngayon ng pamilya ko at ng angkan namin, kaya ramdam ko ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ko. Marami ang umaasang ang pangalan ng pamilya at angkan ay pamumunuan kong alagaan.
“Matutuwa kayo sa kuwento ko. Si Atty. King [ang kanyang asawa] ang kumumbinsi sa akin na tanggapin ang Mano Po kahit puwede ko namang palampasin ito at maging komportable naman sa buhay ko ngayon.
“Ang totoo niyan, ilan ang pinalampas kong offers nitong pandemic dahil sa lock-in at sa malalayo ng location sites, sa Cebu, La Union, Sorsogon, etc.
“Nahihiya ako kay King na mawala ng ilang araw dahil sa taping. Pero nang dumating itong Mano Po, siya ang nagpayo sa akin na tanggapin ko.
“Una, sa Tanay lang ang taping at dalawang maikling lock-in sessions lang ang involved, at sinigurado naman ng Regal at GMA pagsunod sa anti-COVID protocols.
“Higit sa lahat, sabi niya, may professional and emotional attachment ako sa Mano Po dahil ako nga ang matriarch sa film series since 2002 at maganda ang role, kuwento at scope ng production.
“Sinabi rin niyang baka hinahanap na ng sistema ko ang pag-arte since ang last teleserye ko [First Yaya] ay sa GMA noong 2020 before the pandemic.
“Aniya, ‘Pagbigyan mo ang pagkaartista mo at huwag mo akong problemahin.’"
LOCK-IN TAPING
Hindi nagkamali si Boots na pakinggan ang payo ng kanyang asawa dahil sa magagandang karanasan niya sa lock-in taping ng Mano Po Legacy.
“Ang bentahe sa lock-in taping para sa artista ay may focus ka. Walang distractions mula sa labas.
“Mas mabibigyan mo ng oras ang pag aaral sa script at ang immersion mo sa role mo. May momentum ang pagtalakay sa mga eksena at internalization ng character mo.
“Pagod at puyat lang ang kalaban mo dahil sunud-sunod ang sequences mo. Challenge din ito sa memorya at stamina, lalo na para sa isang may edad na katulad ko,” lahad ni Boots.
Anim na dekada nang artista si Boots, pero sa edad na 76, saka lamang niya nasubukan ang mga lock-in taping.
Sa lock-in taping ng Mano Po The Legacy nangyari ang isang karanasang naranasan ni Boots sa kauna-unahang pagkakataon, at sa PEP.ph niya ito ipinagkatiwalang ibahagi.
“Natutuwa nga ako dahil parating mataas ang energy level at memory scale ko, except for our last night in Tanay.
“I was on my 18th consecutive sequence since the morning of a long day. And at some point, I seem to have a memory block.
“I can't remember my lines for that one sequence no matter what rehearsal we do.
“Thank you to Direk Ian Loreños, to the assistant director Jen, and to my co -star Sunshine Cruz for their help and support.
“Thanks also to the staff and crew for their patience because the scene took a while. I just experienced it now. Maybe it's because of old age!” natatawang kuwento ni Boots.
, "widget": "Hot Stories"}]