Short but sweet ang anniversary message ni Bea Alonzo, 34, sa kanyang boyfriend na si Dominic Roque, 31.
Sa halip na dinner date, pamamasyal sa isang art museum ang naisip ni Dominic para ipagdiwang ang kanilang first anniversary bilang magkasintahan ngayong Biyernes, January 28, 2022.
Sa mensahe ni Bea para sa kanyang “hun” na si Dominic, sinabi ng aktres na isa best decisions niya ang sagutin si Dominic.
Ipinagpasalamat din ng Kapuso actress na hindi siya sinukuan ng aktor.
Mensahe ni Bea sa Instagram: “It took so much patience from you, but here we are.
“And I have to say, and it’s one of the best decisions I’ve ever made [heart emoji]
“Happy anniversary, hun”

Kinumpirma ni Bea ang relasyon niya kay Dominic noong August 2021.
Sa kanyang Instagram Story, ipinakita ni Bea na sinorpresa siya ni Dominic ng bouquet of red roses.
“I love you [heart emoji]” mensahe ni Bea sa boyfriend.
DOMINIC’S ANNIVERSARY POSTS
Samantala, ni-repost ni Dominic ang anniversary photo na ipinost ni Bea sa kanyang Instagram account.
Ipinakita rin ni Dominic ang cake na may ganitong dedication: “... And at every table, I’ll save you a seat.”
Tsaka ito nilagyan ni Dominic ng ganitong caption: “Love youuu.. [heart emoji]”
Lumalabas na galing ito kay Bea para sa kanilang anniversary.
Nag-post din sina Dominic at Bea ng videos na magkasama ngayong araw.
Base sa lugar, namasyal ang dalawa sa Pinto Art Museum na matatagpuan sa Antipolo, Rizal.

Si Bea, ipinagpapasalamat na pamamasyal sa museum at hindi dinner date ang naisip ni Dominic.
Paliwanag ni Bea, "naka-strict diet ako for a shoot this week, so bawal mag-dinner dinner date.
"Buti na lang naisipan nyang museum date na lang muna."

NO RUSH TO GET MARRIED
Noong January 25, nagkaroon ng “Ask Me a Question” activity sa Instagram si Bea.
Diretsa niyang sinagot ang tanong ng netizen na nagtanong kung kailan siya magpapakasal.
Ikinumpara pa ng netizen si Bea sa kanyang mga kasabayang artista, gaya nina Marian Rivera, Anne Curtis, Jennylyn Mercado na kasal na at may mga anak na rin.
“May taxi? Hahahaha” hirit ni Bea, at pahiwatig na animo’y may metro ang pag-aasawa.
“Hindi ako nagmamadali. I’d like to take my time.
“It’s not a race, after all.
“I believe we all have our own timeline.”

