Si Valerie Lim ang isa sa mga dahilan kaya sinusubaybayan at madalas trending sa social media ang bawat episode ng Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Si Maricel Laxa ang gumaganap na Valerie Lim sa primetime drama series ng GMA-7 at Regal Entertainment Inc.
Natutuwa si Maricel dahil kinaaaliwan ng manonood ang kanyang hairstyle at pananamit.
Nagpapasalamat si Maricel sa lahat ng mga magagandang salitang natatanggap niya mula sa mga manonood na kinagigiliwan ang kuwento ng Mano Po Legacy at pinupuri ang kanyang mahusay na pagbibigay-buhay sa katauhan ni Valerie.
Pagtatapat ng aktres, “This is the first time I was able to play someone of this kind of character.
"And it’s a wonderful thing kasi to be able to come to this season in my life na meron pa palang more that I can discover about my craft, my talent, and it’s such a blessing to be able to be given that chance.
“I cannot take credit for everything in the process into making Valerie who she is kasi it’s a team work talaga.
"Like, when you talk about the makeup, magagaling yung mga make-up artist na pinrovide sa amin ng Regal. Yung costume, talagang pinag-aralan.
“It’s just a combination ng lahat ng partnership na nagtutulong-tulong para magkaroon ng isang magandang kalalabasan."
Patuloy ni Maricel, “Kapag meron kang script na well-written tapos meron kang direktor na kagaya ng direktor namin [Ian Loreños], na talagang one ang aming vision, mahirap na hindi mo magampanan yung dapat mong gawin.
“Yung mga kaeksena ko, nakakatuwa naman kasi nagba-bonding kami. Sa script, mag-aaway kami, pero behind the scenes, nagtatawanan kami.”
Tanggap ni Maricel na may mga naiinis pero marami ang natutuwa sa karakter ni Valerie, kabilang na ang kanyang mga anak na ginagaya ang mga dialogue niya sa Mano Po Legacy.
“Natutuwa ako sa lahat ng mga mensahe na natatanggap ko mula sa iba’t ibang mga tao na naiinis sila na natutuwa na naaaliw.
“It’s just amazing kasi kahit yung mga anak ko, ginagaya yung mga sinasabi ko tapos natatawa sila, naiinis sila. You know, people are involved,” ani Maricel tungkol sa partisipasyon niya sa Mano Po Legacy.
INSPIRED BY BOOTS
Naging visibly emotional si Maricel nang magpasalamat at magbigay-pugay siya kay Boots Anson Roa-Rodrigo, ang matriarch ng Chan family sa kuwento ng Mano Po Legacy, dahil sa inspirasyon na ibinigay sa kanya ng 77-year-old actress.
Saad niya, “May isa akong sasabihin na talagang sinabi ko rin sa pamilya ko.
“Tita Boots, I want you to know that just being with you, just experiencing you at this time in my life, and I’ve known you for so many years, just being in your presence has really allowed me to believe na I wanna grow old in this business, because of you.
“Parang, oh my gosh, I can still dream and have you as my inspiration and it’s such a joy to be around you all the time with your positivity.
“You never complain, you’re the most bubbly person in the set, and you’re not even the youngest, you’re not even the oldest, but you’re the most inspiring person to be around.
“Nagiging emotional pa ako. I love it when you’re just being the tough Consuelo to this crazy Valerie. It just makes my day talaga so thank you, Tita.”