Watch Now

Trina Candaza hits back at basher who said "binalikan ka ng karma" amid rumored breakup with Carlo Aquino

by KC Cordero
Jan 29, 2022
trina candaza carlo aquino
Wala pang kumpirmasyon sina Carlo Aquino at Trina Candaza kung hiwalay na sila, pero lumipat na ang huli ng tirahan kasama ang kanilang anak.
PHOTO/S: YouTube

Mainit pa ring sinusubaybayan ng netizens ang development kung totoong hiwalay na ang aktor na si Carlo Aquino at ang girlfriend nitong si Trina Candaza.

Nagkaroon ng mga espekulasyon sa kanilang kasalukuyang estado dahil sa cryptic post ni Trina sa kanyang Facebook account noong January 28, 2022

Ang kanyang post (published as is): “You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya.

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…

“Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago.”

Nilagyan pa niya iyon ng laugh out loud emoji sa dulo.

Habang isinusulat ang artikulong ito, ang kanyang post ay mayroon nang 9.3K reactions, 1.4K comments, at 1.8K shares.

Read: Is Trina Candaza alluding to Carlo Aquino in "may pinuntahan agad na babae" post?

TRINA'S NEW CRYPTIC POST

Nitong Sabado, January 29, nag-post si Trina ng Instagram story ng isang TikTok video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa video ay may babaeng nakatalikod at nakatanaw sa kawalan.

Trina Candaza's cryptic post

May voice-over naman na sinasabi ang makahulugang mga linyang ito:

“She’s toxic, right?

“But was she toxic before you lied to her about another female?

“Was she toxic before you took advantage of the trust she had for you?

“Was she toxic before she kept forgiving you for hurting her over and over gain?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“She wasn’t toxic...

“You drained everything out of that woman.

“You hurt that woman.

“You lied to her and continue to hurt her and made question her worth.

“Then you expect her to be the same person she was in the beginning?

“Now she’s crazy for being this way...”

Kung pagbabatayan ang mga naturang linya, tila naglalabas na ng kanyang tunay na nararamdaman at kasalukuyang sitwasyon ang girlfriend at ina ng anak ni Carlo.

Nagkomento sa IG story ni Trina ang isang basher na may handle name na AJ Daniel.

Pinasaringan nito si Trina na "karma" ang nangyari dahil "pumatol ka nga kay Carlo noon nung sila pa ni Angelica."

Buong komento ng basher (published as is): "Karma is a bitch talaga. Ayos lang yan! Pumatol ka nga kay Carlo noon nung sila pa ni Angelica eh [laughing emoji]. mas masakit talaga pag binalikan ka ng karma doble yung sakit. Worst is, may anak kayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot ito ni Trina.

Buwelta niya (published as is): "huh? hindi naman sila nagkabalikan, sakin nag commit tas ang labas ako pa ang nang agaw. I kept quiet that time para kay Carlo, pero wala akong inagaw."

Netizen's crude reply to Trina Candaza.

Up to now, nananatili namang tahimik si Carlo sa isyu.

TRINA, DAUGHTER MOVE TO THEIR "NEW HOME"

January 29 pa rin, nag-post si Trina sa Facebook ng bagong video na naka-upload din sa kanyang YouTube channel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilagyan niya iyon ng caption na “Our New Home”.

Trina Candaza in her new place

Bungad niya sa video, “Hi, everyone! Obviously we moved to a new home. Bago na yung tinitirhan namin.

“And dito ko pinili kasi if ever na mag-face-to-face, at least malapit na lang ako sa school at mabilis akong makauwi kay Mithi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humingi rin siya ng paumanhin sa kanyang subscribers kung natagalan bago uli siya nag-vlog dahil marami umano siyang ginawa.

Sinabi rin niyang huwag mag-worry kung mukha siyang payat.

Aniya, "Sa mga nagsasabi sa akin diyan na magpataba daw ako, tigilan ko na ang pagpapapayat, I just wanna tell you guys na hindi ako nagpapayat. Never kong ginutom ang sarili.

“Never ko ring tiniis yung sarili ko sa pagkain. And it's not my choice para pumayat ako nang ganito. Gusto ko ring tumaba kaso hindi ako tumataba. ngayon.

“Maybe it's because of breastfeeding, pagkilos, yung mga ginagawa, stress.

“Everything siguro nag-a-add up na at hindi na kinakaya ng katawan ko na mag-gain pa ng weight.”

Goal umano niya ngayong 2022 ang magpataba.

Ipinakita rin ni Trina ang mga binili niyang gamit para sa condo. Nag-demo rin siya ng pagluluto, at nakipaglaro sa anak na si Mithi.

Feel good ang video, at wala siyang kahit anong nasambit—o naging parinigtungkol kay Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pang kumpirmasyon sina Carlo Aquino at Trina Candaza kung hiwalay na sila, pero lumipat na ang huli ng tirahan kasama ang kanilang anak.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results