PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinay, 1st place sa Canadian Jewish Playwriting Competition

Nakapag-publish na rin siya ng book.
by KC Cordero
Published Feb 9, 2022
Laging bahagi ng mga akda ng award-winning Filipino-Canadian writer na si Primrose Madayag Knazan ang kulturang Pilipino.

“I am excited to finally share that I won the 2021 Canadian Jewish Playwriting Competition with my play, Precipice!”

Bahagi ito ng Instagram post ni Primrose Madayag Knazan noong January 23, 2022.

Primrose Madayag Knazan's IG post

Si Primrose, 46, ay isang Filipino-Canadian playwright and novelist. Nakabase siya ngayon sa Winnipeg.

Nagwagi siya ng first place sa Canadian Jewish Playwriting Competition para sa kanyang akda na “Precipice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nasabing writing competition ay open sa lahat nang Canadian playwrights, at ang entries ay dapat nagpapakita ng prominenteng tema o aspeto ng buhay-Jewish.

Ang winning entry ni Primrose ay naglalarawan sa karakter ni Sharrah, isang determinadong Pinay na na-convert sa Judaism at nagkaroon ng masalimuot na journey.

Sa kanyang panalo, tumanggap siya 1,000 Canadian dollars (PHP 40,477.73) bilang premyo mula sa Asper Foundation.

Magkakaroon rin ang Miles Nadal Jewish Community Centre (MNjcc), sa pakikipagtulungan ng Winnipeg Jewish Theatre, ng Between Stages play reading ng “Precipice” bilang bahagi ng kanyang premyo.

Photo of Primrose Madayag Knazan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Primrose ay isa ring food blogger, at nagpo-post siya ng kanyang culinary journeys sa kanyang Instagram (@pegonaplate).

Tampok sa kanyang IG ang mga pagkaing Pinoy sa Winnipeg, at ang kanyang mga reviews sa mga kainan roon.

Noong isang taon ay nalathala ang unang young adult novel ni Primrose, ang “Lessons in Fusion.”

Tungkol ito sa isang 16-year old Pinay na natuklasan ang kanyang Filipino heritage sa pamamagitan ng mga pagkaing Pinoy nang lumahok sa isang virtual cooking competition.

Primrose Madayag Knazan's book

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nag-migrate ang mga parents ni Primrose sa Canada noong 1974, at doon na siya isinilang.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Laging bahagi ng mga akda ng award-winning Filipino-Canadian writer na si Primrose Madayag Knazan ang kulturang Pilipino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results