Hindi raw madaling natanggap noon ni Dionisia Pacquiao ang pagsabak sa pulitika ng anak na si Senator Manny Pacquiao.
Unang pumasok sa pulitika si Manny noong 2007 bilang kinatawan ng General Santos City sa Kongreso ngunit natalo ito.
Ibinahagi ito ni Mommy Dionisia sa proclamation rally ni Manny at ng ka-tandem nitong si Lito Atienza sa Oval Plaza Grandstand, General Santos City, kagabi February 8 2022.
Lahad niya sa wikang Bisaya, “Kaning iyang pagtakbo sa congressman, first time nidagan siya aning GenSan, naghilak gyud ko kay pilang sakong kuwarta nakita nako wana gyud. [Itong pagtakbo niya dati bilang congressman, unang beses siyang tumakbo dito sa GenSan, umiiyak ako kasi nakikita ko, ilang sako ng pera, naubos talaga.]
“Moingon ko, ‘Ginoo, dili diay ang akong anak gimahal sa mga tawo, ang kuwarta diay.’ Ingon ko, ‘Bantay ha, mudagan na pud ka.’ [Sabi ko, ‘Lord, hindi pala ang anak ko ang minahal ng tao, ang pera pala.’ Sabi ko, ‘Naku ha, tatakbo ka na naman.’]
“'Magwala gyud ko aning GenSan, ayaw pagtakbo.' Ingon siya, ‘Mamang makasabot ra jud ka. Di ba Mang pinangga mangko nimo?’ ['Magwala talaga ako dito sa GenSan, huwag ka ng tumakbo.' Sabi niya, ‘Mamang maiintindihan mo naman. Di ba, Mang, mahal mo ako?’]
“’Dili kay kamo lang ang akong gimahal. Sa akong pagpamoksing dili kay kita lang magpahimulos sa akong kusog, ihatag nako sa kapwa nato Pilipino nga walang mahimo.’ ['Hindi lang kayo ang aking mahal. Sa aking pagboboksing hindi lang dapat tayo ang makinabang sa aking lakas, ibigay din natin sa kapwa natin Pilipino nga walang-wala sa buhay.']"
Ayon pa kay Mommy Dionisia, nasasaktan siya tuwing nilalait ang kanyang anak o sinasabihan nang masama.
“Gikan kadtong iyang pamoksing hangtud karon midagan siya, pagpulitiko, gilait siya. Sakita ko. Pero walaon nako sa akong huna huna.” [Mula noon sa kanyang pagba-boxing hanggang ngayong tumakbo siya sa pulitika, nilalait siya. Nasaktan ako. Pero hindi ko na yun itinanim sa isipan ko.]”
Naalarma raw siya noong minsan ay nabalitaan niyang namudmod na naman ng pera si Manny.
Pero hindi naman malinaw kung lumang kuwento ito o bago.
Saad ni Mommy Dionisia, “Sige panghatag ug kuwarta, nitawag na ang ibang lugar, ‘Mommy ang imo bang anak sigeg panghatag ug kuwarta, mahurot na.’ Ingon ko nga, ‘Naa may Ginoo muhatag ug kuwarta ana niya.’” [Laging namimigay ng pera, may tumawag sa akin galing sa ibang lugar, ‘Mommy ang anak mo laging namumudmod ng pera, baka maubos yan.’ Sabi ko, ‘Meron namang Diyos na magbibigay sa kanya ng pera.’]"
Aprubado naman daw ni Mommy Dionisia ang pagtakbo ni Manny bilang presidente dahil tiwala sa mga binitawang pangako nito para sa bansa.
“Karon mudagan na pud siyag pulitiko, usa ka presidente, sus dako naman gyud nang kuanon, mura mag daku pa sa bariles ang daganun. [Ngayon, tatakbo na naman siya sa pulitika, sa pagka-presidente, naku, mataas na posisyon na yun, parang mas malaki pa sa isdang tuna ang tatakbuhan.]
“Ingon naku, ‘Lisod man nang presidente Nak, tibuok man Pilipinas, tibuok man nga kalibutan na sa Pilipinas.’ [Sabi ko, ‘Mahirap man 'yang presidente, Nak, buong bansa na 'yan, buong Pilipinas.']
“Ingon siya, ‘Ay lang gud kaguol Ma, kaning akong gibuhat dili man ni para sa atua, para sa tanan kay naguol ko magtan-aw, kay matod pa niya, ‘Kay aron masamta, maputol ang dili maayong trabaho sa Pilipinas.’ [Sabi niya, ‘Huwag kang malungkot Ma, itong aking ginagawa ay hindi para sa atin lamang kasi nalulungkot ako sa aking mga nakikita.’ Sabi kasi niya, ‘Para matigil, maputol na ang mga hindi magandang ginagawa sa bansa.’]"
