PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Peter Lagrosas, ang security guard na nakahuli sa "scammer"

Habang naghahabulan, listong pinigilan ni Lagrosas ang suspect.
by KC Cordero
Published Feb 13, 2022
Peter Lagrosas receiving the plaque of recognition
Pinuri ng Cagayan de Oro City Police Office ang pagiging listo ng security guard na si Peter Lagrosas dahil sa pagtulong nitong mahuli ang isang scammer sa loob ng mall.

Nahuli ng security guard na si Peter Lagrosas, 47, ang isang cellphone scammer sa loob ng mall.

Dahil dito, binigyan siya ng parangal ng Cagayan de Oro City Police Office noong February 8, 2022.

Guwardiya si Peter sa isang commercial bank na nasa loob ng isang mall sa CDO.

Peter Lagrosas with members of Cagayan de Oro City Police Office

ANG INSIDENTE

Noong February 4, nagkaroon ng commotion sa loob ng CDO Downtown Premier nang habulin ng magkapatid na Ivan at Icon Neri si Kenneth Casimero Gella, 29.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa police report, ilang araw na ang nakalipas nang ma-scam ni Kenneth ang cellphone ni Icon.

Natiyempuhan ng magkapatid si Kenneth sa loob ng mall at kanila itong hinabol para bawiin ang cellphone.

Naka-duty noon si Peter sa bangko kung saan siya naka-assign. Nang mapagawi sa kanyang puwesto ang tumatakbong si Kenneth habang hinahabol ng magkapatid, tinangka niya itong pigilan at hulihin.

Nagpumiglas si Kenneth, at aksidenteng nabaril ito ni Peter sa beywang.

Photos from the incident

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isinugod ang biktima sa ospital para gamutin.

Kusang loob namang sumuko si Peter sa mga rumespondeng pulis. Isinurender niya sa mga ito ang kanyang baril, at pansamantala rin siyang idinetine.

Ngunit pinalabas din siya nang lumagda si Kenneth Gella ng affidavit of desistance at hindi na magsasampa ng kaso laban kay Peter.

PAGBIGAY NG PARANGAL

Iginawad ang parangal kay Peter sa loob mismo ng mall kung saan naganap ang insidente.

Nakatanggap din siya ng cash at cake.

Si P/Col. Aaron Mandia, ang COCPO acting director, ang personal na nag-abot ng plake sa security guard.

Ayon kay Mandia, ang naging aksyon ni Peter ay isang patunay na ang mga security personnel mula sa iba’t ibang establisyemento ay kaisa ng pulisya sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan.

"For what he [Lagrosas] did, it is an indication that security guards are one of us. Due to his presence of mind, the alleged scam suspect has been arrested," pahayag ni Mandia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat naman si Peter sa COCPO sa pagkilala sa kanyang ginawa. Nangako rin siya na ipagpapatuloy ang pagkakaloob ng seguridad sa alinmang lugar na maa-assign siya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinuri ng Cagayan de Oro City Police Office ang pagiging listo ng security guard na si Peter Lagrosas dahil sa pagtulong nitong mahuli ang isang scammer sa loob ng mall.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results