PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin claps back at critic of her political stand

Angel Locsin rectifies a basher's malicious accusation.
by Bernie V. Franco
Published Feb 9, 2022
angel locsin basher
Actress Angel Locsin responds to a comment of a basher who criticized her political stand.
PHOTO/S: @antheabueno, @therealangellocsin on Instagram

Hindi pinalampas ni Angel Locsin ang malisyosong paratang ng isang basher tungkol sa kanyang political stand.

Mahinahong sinagot ng aktres ang basher sa kabila ng paratang nito.

Nagsimula ito nang nagbahagi ng panawagan si Angel sa Instagram ngayong Miyerkules, February 9, 2022, tungkol sa upcoming presidential election.

Mensahe ng Kapamilya actress, kilatisin at piliing mabuti ang mga ibototo.

Caption ni Angel (published as is): “Ngayong simula na ang kampanya, At ang mga pulitiko are putting their best foot forward, PLEASE LANG — Kilatising mabuti ang bawat pulitiko.”

Inisa-isa ni Angel ang mga katangian ng mga kandidatong hindi dapat iboto: “Huwag bumoto ng may bahid ng kurapsyon, Sinungaling, Nagmamanipula ng batas, Tamad, Malabo at hindi makatotohanang plano sa bansa."

Dagdag niya, “Kaya kung napasaya ko man kayo kahit paano, o kahit para sa sarili nyo na lang, please lang, VOTE RIGHTLY!

“Pag isipan rin kung sino ang susuportahan!”

Kalakip ng Instagram post ni Angel ay ang larawang nagtataglay ng mga katagang “Never Again.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang “Never Again. Never forget.” ay panawagan sa publiko na maging vigilant laban sa mga puwersang nais takpan ang madilim na kasaysayan sa Pilipinas—ang martial law.

Base sa 1982 report ng Amnesty International, 70, 000 katao ang ikinulong, 34,000 ang tinorture, at 3,240 ang pinatay sa Pilipinas sa ilalim ng batas militar ng diktadurya ni former President Ferdinand Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang oras lamang matapos mag-post ni Angel, bumuhos ang libu-libong comments ng netizens.

Pero isang komento ang nakaagaw-pansin kay Angel at sinagot niya ito.

Paratang ng kritiko kay Angel, binobola lang daw nito ang mga tao pero ang lubos na makikinabang dito ay ang aktres mismo.

Sabi ng basher (published as is): “Huwag niyo bulahin ang tao! Gusto niyo sumama tao sa inyu dahil gusto niyo lang naman interest niyo para muling kumita ng pera! Nakakasuka kayu [vomiting emoji]”

Malumanay itong sinagot ni Angel.

Hinimok niya ang basher na unawaing mabuti ang kanyang mensahe.

“Yung statement na ganito ay hindi pagkakakitaan,” sabi ng aktres.

“Eto’y para sa lahat [smiley] stop the hatred, hindi tayo magkaaway at hindi dapat magaway.”

angel locsin basher

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Angel ay vocal sa kanyang suporta sa presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.

At this writing, higit 72,000 comments na ang post na ito ni Angel.

Karamihan dito ay banggaan ng supporters ni Robredo at ng katunggali nitong si Ferdinand Marcos Jr.

Marami ring bashers ang personal ang tirada kay Angel na hindi pabor sa kanyang political stand.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angel Locsin responds to a comment of a basher who criticized her political stand.
PHOTO/S: @antheabueno, @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results