Kamangha-mangha ang mga obra ni Albert Esguerra na gawa sa recycled materials.
Para silang hinugot mula sa mga Disney animated series, lalo na kapag nilagyan ng ilaw.
Naninirahan ang 50-year-old nursing assistant sa Edmonton, Alberta, Canada, at dito niya naipapakita ang angking talento sa paggawa ng fairy castles at houses gamit ang cardboard, recycled bottles, egg trays, cups, at recycled plastic containers.
Ani Albert: “Yes, I’m very proud to use recyclable items. We can create beautiful pieces out of trash.
“Here abroad, they are very fascinated with this kind of crafts.”

Witch house na isa sa creations ni Albert.

“Since I was a kid, mahilig na ako sa arts of all kinds. I love to draw, create small houses, miniature landscapes and school projects,” mensahe ni Albert sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 9, 2022.
Noong nasa Pilipinas pa siya, ang kanyang mga likha ay makikita sa classroom ng kanyang asawa na isang school teacher.
Dugtong ni Albert, "I can also decorate a debut [or] wedding using balloons, flowers, and all kinds of stuffs."
Halos kasing-tangkad ng isang bata ang kanyang mga likha.
Inaabot siya ng ilang linggo bago matapos ang isang fairy castle depende sa laki nito.
“More or less, three weeks [for] 2 hours a day para sa biggest project that I made, yung Fairy Fantasy Castle out of trash.
“Nagawa at natapos ko during my isolation period when I had COVID.”
Dahil marami ang natutuwa, lumikha si Albert ng YouTube channel, ang Artistic Dad, para mapanood ang kanyang creations.
“In my most free time, isinisingit kong gumawa ng projects para sa YouTube channel ko.”
Paglilinaw niya, hindi niya ibinebenta ang kanyang mga obra.

Albert makes his creations from recycled materials like cardboards, egg trays, even Pringles tubes.
Desidido siyang maging content creator lalo’t ginagahanan siya kapag napapansin at pinupuri ang kanyang mga likha.
Isa sa mga ipinagmamalaki niyang obra ay ang fairy cottage house na gawa sa cardboard.
Nagkaroon ito ng 20,000 views nang i-post niya noong nakaraang taon.
Para kay Albert, “artistic expression” niya ang mga castles.
“I love seeing beautiful places and buildings,” sabi niya.

Albert's favorite creation so far is a fairy castle almost as tall as he is.
ALBERT’S LIFE BEFORE going to CANADA
Nagtapos ng Physical Therapy si Albert sa Pilipinas.
Kasunod noon, nangibang bansa na siya para magtrabaho.
Anim na taon siya sa South Korea.
Pagkauwi sa Pilipinas, nagtayo siya ng maliit na negosyo at isinabay ang pagiging overall priest assistant, church secretary, at convent boy.
Noong 2010, lumipad siya sa Canada at naging temporary foreign worker.
Pinasok niya ang pagiging factory worker at construction worker.
Sabi ni Albert: “It wasn’t easy working as a construction worker here in Canada, considering the very cold weather and snow.”
Pero tiniis niya ito sa paghahangad na maging residente sa Canada.
Noong 2016, kumuha siya ng exam para sa permanent residency application.
Pumasa si Albert.
Dahil dito, nadala niya sa Canada ang kanyang misis at dalawang anak.
Kumuha siya ng nursing assistant course noong 2017.
“Now, permanently and happily [working] as a nursing staff sa Edmonton General Hospital and Continuing Care Center,” pagbabahagi ni Albert.
