Nagbigay-pugay ang Google sa Filipino author and playwright na si Severino Rivera Reyes—mas kilala sa kanyang pen name na Lola Basyang—na nagdiwang ng ika-161 na kaarawan ngayong February 11, 2022.
Makikita sa homepage ng Google ang doodle ni Reyes, at nasa gilid nito ang karakter ni Lola Basyang habang nagkukuwento sa mga bata.
Ayon sa Google Philippines, “Today’s Doodle celebrates the 161st birthday of Filipino author and playwright Severino Reyes.
“Widely regarded as the ‘Father of Filipino Drama,’ Reyes is not only internationally renowned for his famous zarzuelas, Spanish-influenced works of dramatic musical theater, but also for his now-classic collection of Tagalog stories.
“His stories, full of seemingly ancient wisdom, became such an integral part of Philippine society that the name Lola Basyang is still used today to describe a grandmother who loves telling stories.”

Isinilang sa Maynila, naging popular si Reyes sa kanyang pen name na Lola Basyang nang sulatin niya sa Liwayway, isang popular Tagalog magazine, ang “Mga Kuwento ni Lola Basyang” na serye ng maiikling kuwento.
Kasama rin siya sa mga nagtatag ng nasabing magazine noong 1922, at isa sa mga pioneer ng panitikang Tagalog.
Nakapagsulat siya ng 26 zarzuela at 22 drama.
Ang zarzuela, o sarsuwela, ay dulang may kantahan at sayawan, na may isa hanggang limang kabanata.
Naglalarawan ito ng mga sitwasyon ng buhay-Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.
Si Reyes din ang nagtatag ng Gran Compania de Zarzuela noong 1902. Sa panahong ito naging popular ang zarzuela sa lahat ng dako ng Pilipinas.
Kabilang sa kanyang pinakasikat na akda ang “Walang Sugat”.

Tinatalakay nito ang kawalan ng katarungan na sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
Pumanaw siya noong September 15, 1942 sa edad na 81.
Sa Facebook ay may mga groups na nananawagan para ideklara si Reyes na isang National Artist.
