Isa sa mga kilalang personalidad na nalungkot at nakikisimpatiya sa kondisyon ng kalusugan ng TV host/actress na si Kris Aquino ay si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Hanggang ngayon, patuloy ang paglaban ni Kris sa kanyang rare autoimmune condition.
Ito ang inilahad ni Mayor Joy sa bagong set ng officers and board directors ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa kanilang oathtaking ceremony na ginanap sa Annabel’s restaurant sa T. Morato Ave., Quezon City noong Miyerkules ng gabi, February 9, 2022.
Ang PMPC ay samahan ng entertainment writers sa showbiz na nasa ilalim ngayon ng pamumuno ni Fernan de Guzman.
“Doon sa kalusugan niya, you know, I feel a little bit sad,” pahayag ni Mayor Joy.
Hindi man best friends o magkabarkada sina Kris at Mayor Joy, naging schoolmates daw sila during their elementary and college years.
“Magkakilala po kami pero ang mga magulang namin ang best friends. Yung nanay ko po 'tsaka yung nanay niya,” pahayag ni Mayor Joy.
Ang ina ni Mayor Joy ay ang journalist at newspaper publisher na si Betty Go-Belmonte na naging kaibigan ng dating presidente na si Cory Aquino.
Kasunod nito ay nagbigay ng trivia si Mayor Joy tungkol sa kanila ni Kris.
"Noon, ang nanay ko was the editor of a Sunday magazine called Star magazine, a semi-entertainment/lifestyle magazine. And may section doon kung saan binigay niya sa akin, because I was a budding writer myself,” panimulang trivia ni Mayor Joy.
Dose anyos daw si Mayor Joy nung maging magkaklase sila ni Kris.
“So may grupo kami na mga bata at nagse-set ng interviews ang nanay ko with actors and actresses. Pero kami ang nag-iinterbyu. At kami yung nagsusulat from the perspective of a young person.
"So kasama po kami ni Kris in that particular group, ‘no? At doon kami naging magkaibigan, kasi di ba mahilig na siya sa showbiz noon?
“And I will never forget ang una naming ininterbyu ay si Aga Muhlach. E, si Kris, crush ni Kris si Aga. Hahaha!
“And you know, my memory of Kris is, she’s such a bubbly person, such an active and dynamic person ‘coz I follow her Instagram.
“And when I see now parang she has a problem with her auto-immune, I always say a prayer for her because, you know, even when she was seven, she campaigned for her dad. She was such an active person, ‘no? So persuasive, so influential. And I would love to see the old Kris back.”
“So, my message is for her to be strong. Continue to be strong. She has a huge fan base. She has a huge number of friends and public followers.
"And for the sake of all those who care about her, sana alagaan niya ang kanyang sarili. Marami sa tingin ko ang nanalangin para sa kanyang kalusugan at isa ako doon,” paniniyak ni Mayor Joy.
Umaasa rin si Mayor Joy na muling makakapag-host on TV si Kris.
“I hope to see the day when she will be back on television to do what she loves best, which is to do talk shows. Because there’s no talk show host quite like her. And I think that she deserves to be back on TV. And I look forward to that, really,” diin pa niya.