Hindi ikinatuwa ng ilang artista, personalidad at netizens ang satirical video na kumukutya sa mga taong nagtatrabaho ng 18 hours.
Naglabas ng video ang film director na si Darryl Yap, tampok sina Senator Imee Marcos, ang komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia, at si Roanna Marie.
Si Sen. Imee ay kapatid ni presidential candidate Ferdinand Marcos Jr.
Si Darryl ang siya ring nagsulat ng script ng 5-minute video.
Pinamagatang PAGOD LEN-LEN, ang satire video ay pagkutya sa previous statement ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo na 18 hours siyang nagtatrabaho sa isang araw.
Sa dulo ng video ay mababasa ang caption na “Anyone who claims to work 18 hours a day is either lying or stupid.”
Kinuha ang quote mula sa isang artikulong na-publish sa inc.com.
Ayon sa artikulo, may mga pag-aaral sa Stanford University na nagsasabing nakasasama ang pagtatrabaho ng long working hours.
Lahad dito, "Once you reach somewhere between 40 and 49 hours, additional hours produce diminishing returns.
"And after 49 hours or so, the more you work, the less effective you become.”
REACTIONS TO 18-HOURS WORK
Samantala, nabanggit ni Robredo ang kanyang estima sa daily working hours niya sa Jessica Soho Presidential Interview noong January 22.
Isa sa random questions kay Leni ay kung ilang oras siyang nagtatrabaho sa isang araw.
Sagot ng Vice President, “On the average, mga 18 hours.”
Ngayong Sabado, nag-trending ang #AkoSiLenLen ukol sa isyu ng 18 hours.
May mga netizens na nag-tweet para magpatotoo na nangyayari ang pagtatrabaho ng 18 hours.
Katuwiran naman ng mga kontra sa 18 hours ni Robredo, hindi dapat i-normalize ang long working hours bilang “good labor practice.”
Pero ang pro-Robredo celebrities na pinangunahan nina Bianca Gonzalez, Pia Magalona, Bituin Escalante, Richard Juan, pati na rin ang ilang mga private individuals ay nag-status para ipagtanggol ang Vice President.
Punto nila, hindi imposible ang 18-hour workday para sa ilang manggagawa na kumakayod para sa kanilang kabuhayan. Sa katunayan, may iba ngang hindi lang isa kundi dalawa o mas higit pa ang pinapasukang trabaho.
Diin nila, hindi dapat tawaging “stupid” o mga sinungaling ang mga nagtatrabaho ng long hours.
Tweet ni Bianca, “Saludo sa lahat ng mga nagtatrabaho at kumakayod ng 18 hours or more in a day para lang kumita ng ikabubuhay ng sarili’t pamilya.”

Bakas naman sa makahulugang tweet ng PBB housemate-turned-host Richard Juan na paghanga ang dapat ibigay sa mga taong nagtatrabaho ng 18 hours.

Maraming mga kababaihan, gaya ng singer na si Bituin Escalante, ang nangatwiran na ang pagiging nanay ay higit pa sa 18 hours sa pagtatrabaho.
Sinang-ayunan din ito ni Pia Magalona.


Bahagi naman ng post ni Xian Gaza bilang negosyante, hindi niya kelangang magtrabaho ng 18 hours para kumita.
Pero hindi niya kinutya ang mga taong 18 hours magtrabaho.
Post ni Xian: “Kahit matulog ako 18 hours a day... kahit tumambay ako for 18 consecutive days... kahit magbakasyon ako for 18 weeks... kikita pa rin ako ng milyones pero never kong i-invalidate yung mga taong nagtatrabaho ng higit disiotso oras kada araw para lamang i-prove yung point ko sa pulitika. Hindi tama. Very wrong.”

Ang UP Economics assistant professor at columnist na si JC Punongbayan naman ay nag-post ng screenshot ng data na nagpapakita na tinatayang higit 56,000 ang mga manggagawa na nagtatrabao ng 18 hours kada araw, as of January 2022.

Nag-react din ang labor leader at presidential candidate na si Ka Leody de Guzman sa ginawa ni Sen. Imee.
Bahagi ng statement ni De Guzman: "Hindi niya naranasan ang pagiging manggagawa.
“Hindi rin siya nakalinga ng karaniwang ina na may double burden ng gawaing bahay bukod sa pagtratrabaho.
"Dahil sa kababaan ng sweldo, hindi lang nag-oobertaym kundi may sideline pa ang marami sa ating mga kamanggagawa.”
Samantala, may mga netizens na inisa-isa ang mga propesyon na 18 hour o higit pa ang trabaho.
Kabilang na rito ang frontliners sa healthcare field gaya ng mga doktor, nurse pati na rin ang mga guards.
Ganoon din ang accountants, mga abogado, teachers, at mga magsasaka, mangingisda, at food and beverage services.

