PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban claps back at basher of her election advocacy ad

Angelica Panganiban retorts: "Pero affected ka sa ingay nang isang starlet?"
by James Patrick Anarcon
Published Feb 13, 2022
Angelica Panganiban
Angelica Panganiban thanks basher who called her "nag-iingay na starlet" because of her follow-up election advocacy ad. She tells the netizen, "Pero affected ka sa ingay nang isang starlet? Salamat kung ganoin."
PHOTO/S: Young Public Servants on Facebook

Sinagot ni Angelica Panganiban ang isang basher na tinawag siyang “starlet na nag-iingay.”

May kinalaman ito sa public service video na kanyang ginawa tungkol sa darating na eleksyon.

Noong February 11, ipinost ng direktor na si Andoy Ranay sa Twitter ang video ni Angelica na nagbababalang “mag-ingat sa mga mapagsamantala.”

Naglipana raw kasi ang mga sinungaling at sa kabila ng pandemya ay nakuha pang mambudol ng kapwa.

Ang video ay collab ni Angelica sa Young Public Servants, isang non-profit youth group for good governance.

Ito rin ay nagsilbing follow-up sa unang political awareness video ni Angelica na ipinalabas noong February 1.

Napansin naman ito at ni-repost ng isang basher na may handle na @SunWiLd01.

Sinabi nito sa tweet kung saan naka-tag si Angelica: “Isang starlet Nanaman po Ang nag iingay @angelica_114 [laughing emojis]”

Angelica Panganiban basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Linggo, February 13, sinagot ni Angelica nang pabiro ang basher.

Tweet ni Angelica sa netizen: “Pero affected ka sa ingay nang isang starlet? Salamat kung ganoin. [heart emoji]”

Angelica Panganiban tweet

Si Angelica ay nag-umpisa bilang child actress sa pelikula at telebisyon.

Nang magdalaga ay naging bida siya kasama ni Camille Prats sa youth-oriented series na G-Mik mula 1999 hanggang 2002.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Di kalaunan ay naging bida na si Angelica sa mga teleserye at pelikula ng ABS-CBN. Kabilang sa top-rating shows na kanyang pinagbidahan ay Rubi (2010), Apoy sa Dagat (2013), Pangako Sa ‘Yo (2015), at Playhouse (2018).

Ilan naman sa hits ni Angelica sa pelikula ay A Love Story (2007), Here Comes The Bride (2010), One More Try (2012), That Thing Called Tadhana (2015), The Unmarried Wife (2016), Ang Dalawang Mrs. Reyes (2018), Exes Baggage (2018), at Unbreakable (2019).

Kung may naging bashers si Angelica sa video ay maraming netizens din ang nagpakita ng tuwa at suporta.

Kahapon, February 12, nagpasalamat ang isang netizen sa kanya sa paggamit sa kanyang platform “for the good of the country.”

Sagot ni Angelica dito, “Importante po kasi ang social responsibility [smiling emoji]”

Angelica Panganiban tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban thanks basher who called her "nag-iingay na starlet" because of her follow-up election advocacy ad. She tells the netizen, "Pero affected ka sa ingay nang isang starlet? Salamat kung ganoin."
PHOTO/S: Young Public Servants on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results