Rabiya Mateo mentions J as initial of first person she texted
by Rommel R. Llanes Interview: James Patrick Anarcon #SINOSIJ
Ito ang sinimulang hashtag ng fans ni Rabiya Mateo nang sumagot ito sa tanong ng PEP Live host na si Jimpy Anarcon kung sino ang unang taong tinext niya nung araw ng kanilang interview.
Naganap ang PEP Live interview ni Rabiya nung February 8, Martes, at sa bilang ice breaker, sinimulan ni Jimpy sa isang laro ang kanilang chikahan.
"First and Last" ang pangalan ng hamon ni Jimpy kay Rabiya kunsaan sasagutin ng Miss Universe Philippines 2020 ang mga tanong ni Jimpy na may "First" at "Last" sa simula.
Sa tanong ni Jimpy na "First person you texted today," natatawang napabulalas si Rabiya ng, "Oh, my God. I cannot lie!"
Para hindi tuluyang mabunyag ni Rabiya ang pangalan ng unang taong tinext niya, tinulungan siya ni Jimpy at sinabihang kahit initial na lang at huwag nang banggitin ang buong pangalan nito.
Sagot ng dalagang Ilongga, "Nagsi-start sa letter 'J.'"
Dahil dito naging curious ang mga nanonood na fans ni Rabiya at nagpasimula ng hashtag na #SinoSiJ.
May ilang nagsasabing kilala na nila kung sino si J, pero wala namang nagbabanggit ng buong pangalan nito.
Pero kalaunan sa kahabaan ng interview, may binanggit pa si Rabiya na mas lalong nagpatibay sa hinala ng ilang nagsasabing kilala na nila kung sino si J.
Panoorin ang buong PEP Live ni Rabiya o magsimula rito: 04:48
#RabiyaMateo #AgimatNgAgila #PEPlive
Host / Producer: Jimpy Anarcon
Live Stream Director: Rommel R. Llanes
Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts
Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Watch us on Kumu: pep.ph





