PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

It’s Showtime co-hosts Vice Ganda-Ion Perez Las Vegas wedding

Vice Ganda admits wedding with Ion Perez was "spontaneous."
by Bernie V. Franco
Published Feb 16, 2022
vice ganda
Ogie Alcasid on news about Vice Ganda and Ion Perez's wedding in Las Vegas: “Talaga namang kagulat-gulat. Nagte-text ka pa sa akin nung Linggo, e. Tapos bigla na lang, ‘Huy, ano ‘to?! Anong nangyayari?!”
PHOTO/S: YouTube (Kapamilya Online Live)

Aminado ang It’s Showtime co-hosts na wala silang kamalay-malay sa naganap na kasal nina Vice Ganda at Ion Perez noong nakaraang taon.

Nitong weekend, inanunsiyo ni Vice sa kanyang YouTube channel na ikinasal sila ni Ion sa Las Vegas, Nevada, USA, noon pang October 19, 2021.

Read: Vice Ganda reveals Las Vegas wedding with Ion Perez last year

Lumalabas na halos apat na buwan nang kasal sina Vice at Ion, pero inilihim nila ito sa mga kasamahan sa noontime show.

Sa live telecast ng It’s Showtime ngayong Miyerkules, February 16, 2022, nagtanong si Vice kung bakit tumitingin ang mga co-host sa kanila ni Ion.

Sagot ni Karylle, “Kasi may sinecret kayo sa amin, e.”

Sundot ni Kim Chiu, “Di namin alam [ang kasal] pag-uwi niyo galing ng U.S.”

Hirit ni Jugs Jugueta, “Andaya niyo. Hindi kami invited.”

Sabi naman ni Vhong Navarro kay Vice: “Magkasama tayo nung Friday, hindi ka nagkukuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano ang istorya nito? Bakit binulaga niyo kami? Nakita ko na lang kasi trending kayong dalawa.”

“Binulaga talaga? Hindi puwedeng Shinowtime na lang?” joke ni Vice, na tinuran ang katapat na Kapuso noontime show na Eat Bulaga.

Sagot ni Vhong: “Binulaga niyo kami dahil nag-Showtime kayo doon [sa U.S.].

“Biglang nakita ko trending si Vice Ganda, tapos trending si Ion Perez. Kagulat-gulat, e. Binigla niyo kami.”

Sundot ni Ogie Alcasid kay Vice: “Talaga namang kagulat-gulat. Nagte-text ka pa sa akin nung Linggo, e. Tapos bigla na lang, ‘Huy, ano ‘to?! Anong nangyayari?!”

Pagkalma ni Vice sa mga kasamahan, “’Wag kayong mag-alala, ganyan din ang naramdaman ng nanay ko at saka ni Angeline Quinto.

Magkasama kasi sina Vice at Angeline sa U.S. noong October 2021 para sa kanilang concert.

Kuwento ni Vice, “Sabi niya [Angeline], ‘Magkakasama tayo sa iisang hotel…’ Magkakasama kasi kami sa isang hotel sa Amerika, wala silang kaalam-alam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

vice ganda

WHY VICE GANDA KEPT HIS WEDDING TO IAN A SECRET

Nagpaliwanag naman si Vice kung bakit inilihim niya ang kasal nila ni Ion.

“Concert ko sa Amerika, tapos nagkataon na anniversary din namin," sabi ng host-comedian.

“Tapos nung nagpunta kami ng Vegas, ganoon naman ang mga ganap-ganap doon pag nagpunta ka ng Vegas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"It’s either magsusugal ka, o magpapakasal ka, o mambabae ka,” may halong biro niyang sabi.

Pagbubunyag pa ni Vice, higit isang taon na silang engaged ni Ion bago magpakasal.

Nag-propose si Ion sa kanya noong February 2020, bago pa ang pandemic.

Matapos mag-propose, pinabura ni Vice ang lahat ng videos na kuha ng kanyang mga kaibigan.

Aniya, “Sobra akong takot na bababuyin lang ng tao ang isang bagay na napakaganda para sa atin.

“Sabi ko, tama na yung tayong dalawa na lang ang nakakaalam.

“Malalaman ng ibang tao babastusin lang nila, bababuyin, pagtatawanan, gagaguhin kaming dalawa, di ba?”

Read: Ion Perez deeply hurt when he was not allowed to propose to Vice Ganda on It's Showtime

Nagplano raw si Vice ng engrandeng kasal pero naudlot ito nang tumama ang pandemya.

Kaya nang magpunta sila sa Las Vegas noong October 2021, niyaya ni Vice si Ion na magpakasal na sila.

Aminado si Vice an “spontaneous” ang kanilang pagpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid on news about Vice Ganda and Ion Perez's wedding in Las Vegas: “Talaga namang kagulat-gulat. Nagte-text ka pa sa akin nung Linggo, e. Tapos bigla na lang, ‘Huy, ano ‘to?! Anong nangyayari?!”
PHOTO/S: YouTube (Kapamilya Online Live)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results