PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Charles Delgado gives update on partner's chemotherapy

Charles Delgado continues to upload videos on his private channel.
by Jerry Olea
Published Feb 18, 2022
charles delgado, lynneth delgado
Charles Delgado on experiencing depression because of partner Lynneth's condition: “Sobra! Kaya lang, kailangang magpakatatag kaya hindi ko dapat… Hindi po kasi ako maemosyon, e. Hindi ako nagpapakita ng emosyon ko talaga kahit sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko. Kaya kahit dumadaan ako sa ganito, nilalabanan ko na lang. Nagdadasal minsan. Nakikipag-usap sa kanila minsan."
PHOTO/S: Facebook / YouTube

Hulyo 3 o 4, 2021 nag-umpisang mag-ipon ng private videos ang dating indie actor na si Charles Delgado.

Huling linggo ng Hulyo 2021 nag-umpisa ang premium account ni Charles, kung saan napapanood ng subscribers ang mga video niya habang nagsasariling-sikap.

Batid iyon ng live-in partner niyang si Lynneth, na ina ng dalawa niyang anak. Yung panganay ay magtu-12 years old sa Hunyo, samantalang ang bunso ay magse-seven years old sa Mayo.

Sumabak si Charles sa pagbebenta ng mahahalay na video bilang pantustos sa chemotherapy at medication ng kanyang “asawa” na nasa Stage 2-B ang kanser, at panggastos ng kanilang pamilya sa araw-araw.

Ani Charles, noong 2019 ay humigit-kumulang P500,000 ang nagastos sa pagpapagamot kay Lynneth, at noong 2020 ay more or less P600,000 na.

Read: Indie actor Charles Delgado sells erotic videos to fund wife's chemotherapy

Sa virtual tsikahan nitong Pebrero 12, 2022, Sabado ng hapon, ay kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Charles ang kalagayan ni Lynneth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“OK naman po kami. Tuluy-tuloy pa rin po yung ginagawa namin sa needs niya. So, ganun pa rin po, lumalaban pa rin po kami,” matamang tugon ng 29-anyos na si Charles.

Stable ba ang lagay ni Lynneth?

“Sa ngayon po, yung last chemotherapy niya, walang nangyari. Mas lumaki pa po yung cancer cells, yung mga bukol,” pagtatapat ni Charles.

“Medyo lumalabo ang sitwasyon. So, panibagong chemo na naman ulit… Titingnan po kung anong chemo drugs ang kailangan niya.

“Kasi po, babalik kami sa dati, yung chemo niya noong 2020. Yun po ang mas tumalab, yun po ang nagpaliit ng cancer cells. So, babalik kami dun.

“Ang problema po is three times a week siya. Before, two days kami sa ospital. Then ngayon, uwian. Kasi, parang mas mahirap po yung stay-in sa ospital. Sobra.”

charles delgado partner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Handa na ba siya kung sakaling bumigay na si Lynneth?

Hindi agad nakasagot si Charles, “Ahhh… siguro. Hindi ko masabi, e. Pero parang… ano na kasi sa akin yung ganun.

“Tulad ng dad ko, namatay siya, nine years old ako. Yung mommy ko, sa kanser din nung 2015. So, parang… matatag na kami para sa amin.”

Dumaan ba siya sa depresyon dahil sa kanser ng kanyang asawa?

“Sobra! Kaya lang, kailangang magpakatatag kaya hindi ko dapat…” napapailing na sabi ni Charles.

“Hindi po kasi ako maemosyon, e. Hindi ako nagpapakita ng emosyon ko talaga kahit sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko.

“Kaya kahit dumadaan ako sa ganito, nilalabanan ko na lang. Nagdadasal minsan. Nakikipag-usap sa kanila minsan.”

Anu-ano ang pinagkakaabalahan niya? May iba pa ba siyang raket?

May bahid ng pait ang ngiti ni Charles, “Sa ngayon po, dito lang kami sa bahay. Ahhm, alaga ng mga anak namin, aso, workout. And then yung private channel ko po.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Iyon lang ang mga inaasikaso ko ngayon.”

PREMIUM channel

Nasa Telegram ang premium account o private channel ni Charles. P1,500 ang monthly subscription dito.

“Bale apat na full content po ang ina-upload ko every month. Then, every Monday and Wednesday, may mga photos and clips po, ganun,” sambit ni Charles.

“Paiba-iba po ang bilang ng monthly subscribers. Nung una po, may 50, may 80, may 100. Minsan, 15 lang po. Ngayon po, nasa may… thirtysomething po.

“Kung gusto po nilang mag-renew sila, nagre-renew. Kung ayaw nila, OK lang din po yung ganun.”

Hindi pa raw siya pumapalya sa pagpo-post ng private videos para sa kanyang private channel.

“Medyo mahirap lang po nung una, pero ayun, eventually, kinakaya na po. Parang normal na lang.”

Ano bang meron sa private channel niya na wala yung ibang channels?

“Hindi ko po masabi. Hindi ko po alam. Kasi, hindi rin ako nanonood ng ibang channel. Wala akong alam na ibang gumagawa ng ganito kaya hindi ko po masagot,” pakli ni Charles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatanggap ba siya ng indecent proposals?

“Opo, marami na po. Kinakausap ko lang po sila, nakikipag-usap lang ako nang maayos.

“Kahit yung iba, sobrang… parang below the belt na yung sinasabi, kinakausap ko pa rin sila. Kahit garapal na pong magsalita yung iba, kinakausap ko lang sila.

“And then, naiintindihan naman po nila na pag hindi puwede, hindi puwede talaga. So, kahit maraming nagagalit, nauunawaan na lang. Kasi, nakikipag-usap naman ako nang maayos. Hindi ako nagagalit,” malumanay na salaysay ni Charles.

HOT STORIES

ON COLLABORATION

Nakipag-collab na ba siya para may ibang mapanood ang subscribers niya?

“Bale sa ngayon, wala pa po. Dapat meron, pero hindi pa natuloy.”

Yung younger brother niyang si Kyle Delgado ay gumawa rin ng private channel.

Pero ayon kay Charles, “Sa ngayon po, nag-stop yata siya. Magkahiwalay po kami ng bahay, e, kaya bihira lang din po kaming magkita dahil limitado po yung paglabas-labas namin, dahil nga po sa COVID.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nasa Payatas, Quezon City po ako. Si Kyle, nasa Rodriguez, Rizal po, malapit na sa Bulacan.”

Meron bang nag-request para mag-collab sila ni Kyle sa kung ano mang pasabog o paputok session?

Napatingin sa itaas si Charles, “Meron pong nagre-request, pero sa ngayon, hindi ko pa po talaga naiisip yung ganun.

“Siguro, kung arte lang… kaya ko talagang gawing makipag-artehan sa lalaki, gaya ng ginawa ko noon sa indie movies.

“Pero yung collab na totohanan po ang sex act, parang hindi pa po siguro ako ready na pasukin na talaga yung ganun,” pagmumuwestra pa ni Charles.

charles delgado, kyle delgado

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya rin ba pumayag sa mundo ng private video noon si Kyle ay dahil nainggit sa kanya? Kinumbinsi o ni-recruit ba niya ito?

“Ahhm, naengganyo rin siya. Kasi, dahil nga po sa ganun, parang mas madali kang kikita,” pagbuntong-hininga ni Charles.

“Lalo na nga po’t may baby na siya ngayon. Parang… nanganak na yung asawa niya. Kaya ayun, pero hindi ko nga po alam kung tuluy-tuloy pa rin siya.”

CHARLES' WORKOUT ROUTINE

Apat o anim na beses sa isang linggo kung mag-workout si Charles.

Aniya, “Depende po sa ginagawa kong program para sa sarili kong katawan. Nag-hire po ako ng coach noong 2018 and 2019, and then sariling aral ko po.

“Ang result sa katawan ko, from 200 lbs., bumaba ako ng ganito. And then, sa mga kaibigan ko na nagpapaturo sa akin, nag-focus ako sa kanila, tinuruan ko sila.

“Naging lean sila, nabawasan ng taba. Nagsiliitan sila.”

Hindi nagbayad si Charles sa pagtuturo sa mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katuwiran niya, “Love ko kasi ang ganitong lifestyle. Kaya para sa akin, i-share ko lang nang i-share.”

charles delgado bodybuilding

Totoo bang lumiliit ang ari ng isang lalaki kapag panay-panay ang pagwo-workout?

“Hindi po. Na-explain na rin po iyan at matagal nang pinag-uusapan sa bodybuilding community,” mabilis na sagot ni Charles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang reason po kaya parang lumiliit ang private part ng lalaki is kapag nagka-muscles ka, lumalaki yung shoulders mo, yung legs mo. Kumbaga, parang naiiwan siya.

“So, pag nakakita ng malalaking katawan, lalo na yung mga bodybuilder, parang anliit. Kaya ganun po ang nangyayari.

"Pero even science po, sinabi na hindi nakaka-affect ang lifting ng weight para lumiit yun."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Charles Delgado on experiencing depression because of partner Lynneth's condition: “Sobra! Kaya lang, kailangang magpakatatag kaya hindi ko dapat… Hindi po kasi ako maemosyon, e. Hindi ako nagpapakita ng emosyon ko talaga kahit sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko. Kaya kahit dumadaan ako sa ganito, nilalabanan ko na lang. Nagdadasal minsan. Nakikipag-usap sa kanila minsan."
PHOTO/S: Facebook / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results