PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jake Zyrus proudly posts topless photo on Instagram

"Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako."
by Jojo Gabinete
Published Feb 19, 2022
jake zyrus topless
Jake Zyrus: "Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito."
PHOTO/S: @jakezyrusmusic on Instagram

Limang taon matapos sumailalim sa breast removal surgery noong March 29, 2017, nagkaroon na ng lakas ng loob ang transgender singer na si Jake Zyrus na ipakita sa publiko ang resulta ng operasyon.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang topless photo sa Instagram account niya ngayong Sabado, February 19, 2022.

“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba 'to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao.

"Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan,” umpisang paliwanag ni Jake tungkol sa desisyon niyang ibahagi sa publiko ang kanyang larawan.

Patuloy niya, “Pero ngayon, palalayain ko na lahat yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender.

“Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sa’yo ‘to.

“Kung hindi ka man handa pa, okay lang din ‘yun. Lahat 'yan may tamang panahon. Well. This is me guys. Mahal ko kayong lahat,” kabuuan ng pahayag ni Jake.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maligaya na ngayon si Jake dahil nakamit niya ang pangarap na magkaroon ng katawan ng isang lalake sa pamamagitan ng breast removal surgery.

Mahalaga para kay Jake ang petsang March 29, 2017 dahil ito ang kanyang itinuturing na araw ng pagsilang ng bagong katauhan, na kilala bilang dating Charice Pempengco na nagkaroon ng international singing at acting career noong ganap na babae pa ang anyo niya.

Nagkaroon ng epekto sa singing career ni Charice ang pagpapasya nitong mamuhay bilang transgender man sa katauhan ni Jake dahil nabawasan ang mga tagahanga at ang popularidad niya.

Tila hindi alintana ni Jake ang nangyari dahil mas mahalaga sa kanya ang mamuhay nang malaya at maging totoo sa sarili niya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Zyrus: "Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito."
PHOTO/S: @jakezyrusmusic on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results