PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Photojournalist-writer Ruben Nepales wins 3 awards in the U.S.

Isang first prize, dalawang third prize.
by KC Cordero
Published Feb 23, 2022
Ruben Nepales holding his book.
Nagwagi ng tatlong awards si Ruben Nepales, isang Filipino entertainment photojournalist and writer, sa ginanap na National Arts and Entertainment Journalism Awards 2022 dahil sa kanyang coffee-table book, column at blog.

Tatlong awards ang naiuwi ni Ruben V. Nepales, isang Filipino entertainment photojournalist and writer, mula sa 14th National Arts & Entertainment Journalism Awards na LA Press Club sa California, USA.

Ginanap ang virtual ceremony noong February 18, 2022.

Nakuha ni Ruben ang first prize para sa Best Non-Fiction Book sa pamamagitan ng kanyang photojournalism book na Through a Writer’s Lens.

Ruben Nepales holding his book.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang coffee-table book na may mahigit 1,000 candid shots ng mga celebrities na kanyang nakapanayam sa mahigit na dalawang dekada ay nailathala noong November 2020.

Pinuri ito ng mga judges at sinabing bukod sa sobrang impressive ay napakaganda, punung-puno ng mga impormasyon at nakatutuwang trivia.

Napanalunan naman niya ang third prize sa Soft News, Film category para sa kanyang Only IN Hollywood essay, "From sublime to sassy–what Oscars winners said ‘backstage,'" na nalathala sa Rappler noong April 2021.

Third prize din ang nakuha niya para sa Best Entertainment Blog by an Individual/Group, Tied to an Organization para sa kanyang Rappler entertainment column na Only IN Hollywood.

Ang nasabing column ay unang lumabas sa Philippine Daily Inquirer sa loob ng 15 taon. Exclusive na itong lumalabas ngayon sa Rappler simula noong mid-2020.

Ruben Nepales in suit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tubong Calasiao, Pangasinan, si Ruben, at nanirahan na sa US simula noong 1980s.

Siya ang kauna-unahang Pinoy na naging member ng Hollywood Foreign Press Association (HFPA), isang organisasyon ng mga journalists sa buong mundo na nasa likod ng Golden Globe Awards.

Si Ruben din ang una at nag-iisang Pinoy na nahalal bilang chairman ng HFPA board noong 2012.

Noong 2019, nahalal siya bilang executive secretary at naglingkod hanggang 2021.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagwagi ng tatlong awards si Ruben Nepales, isang Filipino entertainment photojournalist and writer, sa ginanap na National Arts and Entertainment Journalism Awards 2022 dahil sa kanyang coffee-table book, column at blog.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results