Tila manhid na si Sue Ramirez, 25, pagdating sa body-shaming na natatanggap mula sa bashers.
Kagaya na lamang nitong Lunes, February 21, 2022, isang basher ang “minaliit” ang dibdib ng Kapamilya actress.
Pero sa halip na patulan, sinakyan ito ni Sue.
Nag-post ang aktres sa Instagram ng sunud-sunod na bikini photos mula sa kanyang beach trip sa Amanpulo.
Pinuri ang kaseksihan ni Sue ng kanyang celebrity friends gaya nina Loisa Andalio, Ashley Ortega, at former PBB housemates Fifth Solomon, Coraleen Waddell, at Joj Agpangan.
Good vibes din ang komento ng iba pang netizens.
Pero isang basher ang nagkomento at "pinagtawanan" si Sue.
Klaro sa komento na kinantiwayan niya si Sue sa pagiging flat-chested nito.
Sabi ng netizen (published as is): “kaya pla sabi nya minsan d cya nagsusuot ng bra now I know plywood pla to back to back [laughing faces with tears emojis]”
Sumagot si Sue at sumakay na lang kahit hindi maganda ang biro sa kanya ng basher.
Reply ng aktres: “o diba? Dagdag labahin lang.”
Ibig sabihin ni Sue ay nakakadagdag lang sa labahin ang pagsusuot niya ng bra.

Pero hindi ikinatuwa ng supporters ni Sue ang pang-aalipustang iyon ng basher, at ipinagtanggol nila ang aktres.
“kaw na malaki boobs te,” hirit ng isa laban sa basher.
“Perfect Seksi k teh???” banat ng isa pa sa basher ni Sue.
Narito ang ilan pang pagtatanggol ng supporters kay Sue laban sa basher:

SUE BASHED IN 2018
Hindi ito ang unang beses na nakatanggap ng batikos si Sue matapos niyang mag-post ng swimsuit photo sa social media.
Noong 2018, naging laman ng balita si Sue matapos mag-post sa Instagram ng larawan niyang naka-two piece.
Bagamat maraming pumuri, inulan din siya ng mga pang-aalipusta.
Sinagot ni Sue ang isyung ito nang ma-interview siya sa isang presscon.
“Malandi daw ako kasi naka-two-piece ako. Wow! Okay, sige. Thanks po," sabi niya.
Katuwiran ni Sue sa controversial bikini photo niyang iyon: “Nag-swimming kasi ako, so nag-two-piece [ako].
"At ang daming nag-like, at na-appreciate nila yung pagpipigil ng kain ko sa L.A.
“I don’t really think it’s a big deal.
"I don’t really sexualize my body at all, wala po akong malisyang klase ng tao.
"It’s just [that] everybody has a body.
“Siguro yung mga pag-o-objectify ng mga tao, wala, e. Wala na tayong magagawa. Palalampasin na lang natin.”
Pero pakiusap noon ni Sue, sana itigil na ang pagse-sexualize sa kanyang katawan dahil lang sa nag-post siya nang naka-bikini.
