Tunay ngang may nabuong malapit na pagkakaibigan ang ilan sa Miss Universe 2021 queens.
Pinatunayan ito ng mga kandidata ng Miss Universe 2021 mula sa Armenia na si Nane Avestiyan, Singapore na si Nandita Banna, at Vietnam na si Nguyen Huynh Kim Duyen dahil hindi nila nakalimutan ang kaarawan ni Miss Universe 2021 Top 5 Beatrice Luigi Gomez.
Ipinagdiwang ni Beatrice ang kanyang ika-27 kaarawan kahapon, February 23, 2022.
Sa pamamagitan ng kani-kanilang Instagram Stories, nagbahagi sina Nane, Kim, at Nandita ng pagbati kay Beatrice.
Sa kanilang tatlo, mukhang si Nane ang labis na nakaka-miss sa kanyang tinaguriang “partner in crime” sa pageant.
Apat kasing IG Stories ang kanyang ginawang pagbati kay Beatrice.
Una niyang binahagi ang larawan nila habang sakay ng isang ATV (all terrain vehicle) sa sideline activity ng Miss Universe 2021 sa Israel.
Caption niya, “HAPPY BIRTHDAY MY LOVE [heart emoji]”

“MY PARTNER IN CRIME,” caption naman niya sa pangalawang larawan nila na nakatayo sa ATV at nasa background nila ang disyerto.

Masayang-masaya raw si Nane na nakilala niya si Beatrice.
Sabi niya sa ikatlong IG Story niya, “MY PARTNER IN EVERYTHING [heart emoji] I AM SO HAPPY TO KNOW YOU.”

“MISSED YOU A LOT [heart emoji],” caption ni Nane sa isang short video nila habang naka-piggyback ride siya sa likod ni Beatrice.

Ito yung pinagkatuwaan noon ng netizens dahil baka raw iba ang maiuwi ni Beatrice pagkatapos ng pageant.
“MY BAE, MY BEA”
Dalawa namang Instagram Stories ang ibinahagi ni Kim.
Sabi niya sa una: “Happy birthday my sweetheart [heart, cake emojis]. You’re always my favorite person, hope you have everything you wish on your special day.
“Miss you and the team Philietnampore [Philippines, Vietnam, Singapore] so so much.”

Caption niya sa pangalawang IG Story: “Haha hope you always happy and cute like in the photo… I love this vibe of you.
“Awww miss you so much my Bae, my Bea.”

Short but sweet naman ang mensahe ni Nandita sa kanya.
Aniya, “happy birthday to this sweetheart I love you so much [heart emoji]”

Ni-repost naman ni Bea ang ilan sa mga ito sa kanyang IG Stories.
