PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daryl Ong-Dea Formilleza Crash Landing On You prenup shoot

Caption ng singer: Crash Landing ONG You
by KC Cordero
Published Feb 26, 2022
Daryl Ong and Dea Formilleza prenup shoot.
Ni-recreate ng prenup shoot nina Daryl Ong at Dea Formilleza ang ilang eksena sa hit Korean drama series na "Crash Landing On You," bilang Captain Ri at Yoon Se-ri.

Nag-post sa kanilang Instagram account ang Nice Print Photo ng execution ng prenuptial shoot ng Kapamilya singer na si Daryl Ong at Kapuso star Dea Formilleza.

Batay sa mga suot ng magkasintahan at maging sa mga eksena, obvious agad na inspired ang prenup shoot sa Korean hit series na Crash Landing On You, at ibinase sa mga karakter bilang Captain Ri at Yoon Se-ri ng mga bidang sina Hyun Bin at Son Ye-Jin.

Daryl Ong and Dea Formilleza prenup shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyon din naman ang nakasaad sa caption ng Nice Print Photo na: “For @imdarylong and @deaformilleza prenuptial shoot we recreated a scene from the hit kdrama series Crash Landing On You. How timely that Hyun Bin and Son Ye-Jin will tie the knot soon so our CLOY hearts are on fire again. Excited for your big day Daryl and Dea! #cloy #crashlandingonyou”

Daryl Ong and Dea Formilleza prenup shoot.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nag-post din si Daryl ng mga photos mula sa prenup shoot nila ni Dea.

Ang witty niyang caption, “Crash Landing ONG You.”

Almost six years nang magkasintahan sina Daryl at Dea. July 31, 2021 nang i-announce nila ang kanilang engagement.

Daryl Ong proposed to Dea Formilleza.

Ang IG post ni Daryl nang mag-propose siya noon kay Dea, “Five years in the making, kung kasama pagiging magkakaibigan, almost 10 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ko na ikukwento or ipapaliwanag pa ng pagkahaba-haba kung bakit ko siya niyaya magpakasal, ang alam ko lang, papakasalan ko ang aking pinakamatalik na kaibigan. At sobra akong pinagpala na kami ang nagkatuluyan at magiging magkasama hanggang sa huli.”

Inamin din noon ng dalawa na 2016 pa lamang ay nag-propose na si Daryl kay Dea kahit three months pa lang ang kanilang relasyon.

Secret lang ang kanilang pagmamahalan noon, at hindi rin alam ng kanilang mga pamilya.

Naging magkaibigan sila since 2011, bago naging magkasintahan noong 2016.

Produkto si Daryl ng The Voice Philippines 2014, habang sumali naman sa Idol Philippines si Dea noong 2019.

Daryl Ong and Dea Formilleza engagement shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago ang kanilang prenup shoot, nagkaroon din ang magkasintahan ng engagement shoot last December 11, 2021 at nai-post ng website na Bride & Breakfast.

Wala pang announcement kung kailan petsa ng kanilang pagpapakasal.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ni-recreate ng prenup shoot nina Daryl Ong at Dea Formilleza ang ilang eksena sa hit Korean drama series na "Crash Landing On You," bilang Captain Ri at Yoon Se-ri.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results